HOROSCOPE OCTOBER 29, 2020

HOROSCOPE OCTOBER 29, 2020

October 29, 2020 @ 7:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) —  Matutugunan ang maraming obligasyon at pangangailangan sa buhay kung ang pagsisikap ay lalakipan din ng matalinong paggastos. Dapat paghandaan ang darating na bukas.

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Iwasang maimpluwensyahan ng mga kabarkadang nararahuyo sa kalayawan. Magiging maligaya ang romansa sa piling ng minamahal na mapag-uukulan ngayon ng tamang atensyon.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung may reserbasyon sa pinaplanong pagkilos o proyekto ng mga kasamahan sa trabaho o kapamilya, alamin muna ang mga detalye bago magsagawa ng kaukulang reaksyon.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Makatatanggap ng magandang balita sa araw na ito tungkol sa trabaho o tinatarget na proyekto. Hindi dapat pansinin o patulan ang makamandag na dila ng isang sinungaling o mapag-imbento ng kuwento.

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Malalagpasan din agad ang anomang pagsubok o hamon sa buhay kung magiging mapagtimpi at matiisin. Kung mananatiling positibo ang takbo ng kaisipan, mapapasakamay ang hinahangad na tagumpay.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magagandang ideya ang uusbong ngayon sa kaisipan na magiging daan tungo sa pag-unlad ng kabuhayan. Panatilihin ang mataas na pagpapahalaga sa sarili at sa angking kakayahan.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Labis-labis ang kasiyahang madarama sa araw na ito kung mapaplantsa ang pagtatampo o pagdaramdam ng minamahal. Magiging maamo ang swerte sa usaping may kinalaman sa pangkabuhayan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ang araw na ito ay pumapabor para maging maligaya sa ngalan ng pag-ibig. Kung may asawa, dapat tuparin kung anoman ang naipangako sa minamahal o sa kamiyembro ng pamilya.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maging matapat sa pakikitungo sa lahat ng tao sa paligid. Ang pagtataglay ng malinis na hangarin sa kapwa ay magbubunga ng mabuting kapakinabangan sa dakong huli.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Maging tapat sa paglalahad ng saloobin sa mga tao sa paligid upang maunawaan ng marami ang tunay na damdamin. Ngayon ang tamang buwelo sa pagiging prangka sa lahat.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Magkaroon ng tiwala sa mga taong kasa-kasama sa paghahanapbuhay o pagnenegosyo upang mapanatili ang magandang relasyon sa lahat. Hindi dapat maging negative thinker.

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —Malaki ang magiging papel ng taglay na talento o kakayahan sa binabalak na negosyo ng isang kamag-anak o malapit na kaibigan. Nalalapit sa kapakinabangan kundi lalaki ang ulo.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...