HOROSCOPE OCTOBER 4, 2022

HOROSCOPE OCTOBER 4, 2022

October 4, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Huwag mong sayangin ang iyong oras sa walang kapararakang mga bagay. Sa halip, gamitin mo ang oras at ikonberti ito sa salapi. Mahilig ka rin lamang sa pasayaw-sayaw o magsasasalita sa harap ng camera, bakit hindi ka gumawa ng vlog? Tutal, makabuluhan naman ang ginagawa mong materyales. Makatutuklas ka rin ng mga bagong kaalaman na magagamit mo sa iyong proyekto o sa pag-aaral. Matuto ring mag-ingat ng lihim na ipinagkatiwala sa iyo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kahit mahihirapan ka, pilitin mong maging masaya kahit malayo ka sa iyong mga kaanak at mga kaibigan. Kapalit naman niyaon ang mga oportunidad na magpauunlad ng iyong sarili sa aspektong pinansiyal at sa iyong career. Gawin ng buong sipag at sikap ang ipinagkatiwala sa iyong trabaho o proyekto. May nakakakita man o wala, gawin mo ito ng tapat. Magiging paborable ang su-sunod na linggo sa iyo.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Likas na sa iyo ang maging maiinggitin. Subalit, iba ang iyong inggit sa iba dahil nagsusumikap ka para makuha ang mga bagay na gusto ko. Inggit na nagiging motibasyon upang lalo kang magsikap upang maabot ang iyong mga pangarap sa sarili at sa iyong pamilya. Huwag ka ring magpapakara sa harap ng amo mo o magsipsip para lamang makuha ang target na puwesto sa trabaho. Hayaan mong ang iyong kasipagan at kakayahan ang mangusap para rito upang ibigay sa iyo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Huwag kang magtatanong kung bakit ganito, bakit ganyan kung sa iyo naman nagsimula ang problema. Kung may kasalanang nagawa sa kasuyo, makabubuting manahimik. Baka sakaling humupa agad ang kanyang pagkainis at galit sa iyo. Makatatanggap ka ng pera sa linggong ito na magagamit sa ilang gastusin. Ka-ya, matutong magpasalamat sa mga nagkaloob nito sa iyo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Aminin mo man o hindi, ang pagkakasakit mo ay kinapit mo lang sa sarili mo dahil sa isang kasalanang nagawa. Bago ka pa ma-expose, magsisisi na at bumalikwas sa kalokohang ginagawa sa iyong kasintahan. Maging tapat ka sa kanya bago mahuli ang lahat. Huwag kang papayag o sasama sa yaya ng mga tambay na mga kaibigan sa inuman sa iskinita. Sa gayun ay hindi ka mapahamak.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Aplikaple lang sa puno at bunga nito ang kasabihang; kung ano ang puno, siyang bunga. Iba ka kaysa sa iyong mga kamag-anak dahil hindi ka katulad nila. Kung sila ay maramot, mapagbigay ka. Kung sila ay pasaway, ikaw naman ay matino. Sa ganyang ugali mo, inililigtas mo sila sa kahihiyan. Aalukin kang maging lider sa isang gagawing aktibidad sa inyong pamayanan. Tanggapin ito upang ipakita ang iyong husay at kakayahan upang kagiliwan ka ng mga tao.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Magiging abala ka sa ilang araw sa linggong ito. Makabubuti ito upang ma-miss ka ng mga kaibigan mong laging asar at naiinis sa iyo. Kapag wala ka, malalaman nila ang kahalagahan mo. Kailangan ang pakara mo sa kwentuhan. Magpaka-busy muna para sa sarili dahil mahirap ang buhay ngayon. Sila na ang kusang tatawag sa iyo dahil nag-aalala sila na baka ikaw daw ay unti-unti nang lumalayo.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ihinto mo muna ang mga ga-waing hindi pa naman kailangang tapusin o wala namang itinak-dang deadline sa iyong trabaho. Maiging isingit ang mga bagay na pwedeng pagkaperahan upang kumita at maidagdag sa mga gastusin. Kung magtatayo ka ng business, hindi sasapat ang hawak mong puhunan. Kinakailangan mo ng katuwang o kasosyo. O kaya, kinakailangang mong mangutang o mag-loan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag kang kakagat sa lumang kasabihan na kapag maingay ang lata, walang laman at kung may laman, hindi maingay. Hindi aplikable ito sa tao. Sapagkat gaya mo, maingay dahil may nalalaman o may kaalaman. Meron namang tahimik kasi kaunti ang nalalaman kaya hindi makasabay sa talakayan. Dapat ay lumagay ka sa tama. Saka ka magsalita kung kinakailangan ito sa iyo. Manahimik ka kung hindi naman kailangan. Pinagmumukha kang mapanganib na tao nito.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Pag-aralan mo muna ang mga papeles o mga dokumento na pinalalagdaan sa iyo. Baka kasi malinlang ka. Ipabasa ito sa isang taong nakauunawa at may kaalaman sa obligation and contracts. Kahit isa kang mapagbigay na tao, huwag kang paaagrabyado dahil maraming tao ang mapagsamantala at abusado ngayon. Hindi masamang hindi agad magtiwala dahil nag-iingat ka lang sa posibleng kapahamakan.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Hindi lahat sa ilalim ng araw ay maaaring balikan. Gaya ng panahon. Kaya, kung may nagawa ka mang pagkakamali sa iyong mahal, magsisisi at hintaying humupa ang kanyang galit sa iyo. Nagagamot ng panahon ang sugat sa puso. Tinutulungan nitong maalis ang hapdi at nararamdamang kirot. Saka mo siya suyuin uli kapag nakuha na niyang ngumiti sa iyo.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Ingatan mo ang iyong katawan. Huwag masyadong magpakapagod. Baka ang pinagpaguran mo ay mauwi ang sa paggastos o pagpapagamot. Ipahinga ang katawan ng sapat o lagpas sa oras upang muli kang lumakas. I-enjoy ang weekends sa bahay kasama ang iyong pamilya. Magluto, manood ng palabas o maglaro ng games. Mula rito, isang tawag ang iyong matatanggap kaugnay sa bagong proyekto.