HOROSCOPE SEPTEMBER 1, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 1, 2022

September 1, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Magagalak ka sa sasabihin ng iyong kakilala na maganda ang naiisip at binabanggit mong business sa kanya. Kaya, mamumuhunan siya rito at kasama ka sa mamamahala. Patok kasi sa panahon ngayon ang naiisip mong negosyo at agad na lalago ito at mai-babalik ang puhunan at malaki ang kita at tubo.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Huwag pansinin ang mga nakapaligid sa iyong mga Marites at mga inggitera. Ang mga taong ito ang mga walang magawa sa buhay nila dahil walang hanapbuhay. Kikita ka rin ng malaki sa mga susunod na araw dahil may nakaimbak na asin at asukal sa tindahang sinarhan ng iyong nanay at lola. Buksan mo ito at iyong ibenta.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Maging alerto ka sa lahat ng oras sa mga nalalabing araw sa buwan na ito. Hindi ka kasi nakasisiguro kung ano ang mangyayari sa opisina nyo. Hindi ito tungkol sa negatibong mga bagay kundi positibo. Maaaring mapaaga ang pagbibigay sa inyo ng Aguinaldo. Kaya, huwag mo muna itong gastusin kung sakaling matanggap na at baka wala nang matira sa holiday season.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Lagi ka na lang nag-aala kapag malakas ang ulan at malaki ang baha sa lugar nyo. Sa halip na ma-stress, magalak ka dahil ayuda ang kasunod nito. Oras lang ang itatagal ng baha at kinabukasan ay matatanggap n’yo na ang ayuda kahit hindi naman binaha ang bahay n’yo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  Huwag magdaramdam kung madalas kang nakakagalitan ng boss n’yo. Hindi naman talaga siya galit, nagpapaliwanag lang. Natural lang iyon sa boses niya na akala nila ay galit. Kapag nasisigawan ka, matuwa ka dahil pera ang kapalit nu’n. Kapag ganu’n kasi siya sa iyo, nakakalimutan niya ang cash advance mo. Kaya, buo pa rin ang suweldo mo sa kinsenas at katapusan.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —  Huwag masyadong maarte sa nakikita nyo sa beshy n’yo kung may tigidig siya sa braso. Wala siyang monkeypox kundi kurikong lang dahil madami siyang alagang pusa at aso. Kahit may ganun siya, dalawin mo siya ngayon dahil libre ang meryenda, pa-load at movie marathon sa Netflix sa haybol nila. Sasabihin niya rin sa iyo kung sino ang secret admirer mo. Ayaw mo pa nu’n?!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magkakaroon ka ngayon ng bagong interes sa buhay. Malalaos sa iyo ang K-Pop at mapapalitan ng hilig mo sa Indian pop culture lalo na sa mga kanta at mga pelikula nila. Kasi natutuwa ka. Dahil dito, humanda ka sa susunod na araw. Liligawan ka ng Bombay na inuutangan ng ermat mo at ikaw ang gagawin niyang pambayad. Huwag kang mag-alala, idi-date ka lang, bayad nakayo sa hinuhulugan n’yo para sa puhunan sa tindahan.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi ka dapat malungkot dahil loveless ka sa mga nagdaang mga taon. Sapagkat darating na ang taong para sa iyo na itinakda ng tadhana. Pero, ‘di ka matutulad kay Moira na pinaasa lang at pinaluha. Ang maganda pa rito, ang mga katangiang nais mo sa isang magiging partner ay makikita mo sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Nasa iyong kamay ang isang mahusay na pagpapayo upang maayos angnakikita mong sibling rivalry sa iyong magkapatid na iyong kaibigan. Kung magagamit mo ito para sa kanilang kapakanan, lalo na sa usapin sa negosyo, makatutulong ng malaki ang iyong payo at makatutulong din sila sa iyo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Darating sa tamang oras ang perang hinihintay mo na padala ng iyongminamahal. Maiibsan ng malaki ang iyong alalahanin hinggil sa mga bayarin sa bahay. Iwasan mongmangutang pa dahil lalo ka lamang lulubog sa utang. Ang kailangan lang ay magtipid, magtiis at magtiyagang maghintay sa biyayang darating.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Tanggapin ang inaalok sa iyo ng isang kapitbahay upang kumita ng extra. Wala namang halong iligal ang kanyang pinagkakakitaan. Gayunman, kailangan mo pa ring mag-ingat dahil may kasamahan siya na gumagawa ng labag. Kung may nalalaman ka pang ibang pagkakakitaan, idagdag mo ito dahil ang kapitbahay n’yo naman na kadikit mo ang mamumuhunan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kung sadyang hindi mo matutulungan ang isang kamag-anak tungkol sa idinudulog ni-yang problema sa iyo, sabihin ito nang maayos sa kanya. Tiyak namang mauunawaan kaniya. Suwerte ka kapag araw ng Martes dahil sa araw na ito bumubuhos ang biyaya para sa mga katulad mo.