HOROSCOPE SEPTEMBER 13, 2021

HOROSCOPE SEPTEMBER 13, 2021

September 13, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Madali kang ma-inlove. Pero, madali ring nawawala. Pakiramdaman mo ang iyong sarili. Na kung pag-ibig ba o pagkahumaling lang ang feelings mo sa isang bagong kakilala. Baka kasi magsisi sa bandang huli kapag nagtapat ka. Pero, makakasakit ng damdamin sa bandang huli.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Pero, ok lang sa iyo. Matiisin ka. Hindi bulag ang langit para ‘di ito makita. Agarang darating ang tulong sa oras na kailangan mo na.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi pa panahon para ikasa ang binabalak mong negosyo. Iba kasi ang panahon ngayon. Ilagak muna ang pera sa bangko. Saka mo na ikasa ang business kapag bumalik na talaga sa normal ang sitwasyon.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Huwag mong isiping malas ka sa buhay. Bahagi ng buhay ng isang tao ang pagsubok. Dumarating ito kahit ‘di mo inaasahan. Gayunman, malalampasan mo ito at kasunod nu’n ang tatlong sorpresa ng tagumpay.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — May nagtatampo ng lihim sa iyo dahil sa pagiging ‘di mo maalalahanin. Inaasahan kasi ng taong iyon ang iyong atensyon. Matutong maging bukas sa iba. Makipag-usap. Kasi, gusto nila na mapalapit sa iyo.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung meron ka nang naitatabi, makabubuting bayaran ang utang sa isang naghihikahos na kaibigan. Siya naman kasi ang nasa sitwasyon mo noon. Hindi ka niya binigo nang ika’y lumapit. Mapatutunayan niyang isa kang tapat at tunay na kaibigan, kahit ‘di siya nanghihingi ng kapalit.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magkakalayo kayo ng iyong minamahal. Kaya, malulungkot ka. Pero, huwag mag-alala, pansamantala lang ito. Para rin sa inyong dalawa ang kanyang ginagawa. May sorpresa siyang ibibigay sa iyo sa kanyang pagbabalik.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi tamang solohin mo ang mga suliranin. Lalo ka lamang mababagot at mahihirapan. Dapat mo itong sabihin at ipagtapat. Sa gayun ay maging mabuti ang iyong pakiramdam. Gayunman, piliin mo lamang ang taong pagsasabihan mo ng iyong problema.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ikaw ngayon ay nasa itaas. Kaya, alalahanin mo ang mga nasa ibaba. Alalahanin mo ang mga taong tumulong sa iyo noon kaya narating mo ang tagumpay. Lalo kang pagpapalain kapag ginawa mo ang mga bagay na ito.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Medyo magiging paborable sa iyo ang linggong ito. Malakas kasi ang iyong charm. Kaya, marami ang makikipagkilala at magiging bagong kaibigan. Anoman ang pabor na hihilingin mo ay mangyayari.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Mahirap sa isang tao ang talagang mag-isa. Kung nalulungkot ka, makabubuting makipag-usap at huwag maging loner. Mapapagaling pa ng pakikipagtalastasan ang iyong karamdaman.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ang katapangan ay wala sa estado, laki at anomang taglay ng isang tao. Ito ay sa pagharap ng mga problema at kung papaano dalhin ng tama ang bawat sitwasyon. Ganyan ka. Kaya, marami ang manghihingi ng payo sa iyo.


  •  
  •  
  •