HOROSCOPE SEPTEMBER 14, 2021

HOROSCOPE SEPTEMBER 14, 2021

September 14, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Masasadlak sa multi-tasking sa mga susunod na araw. Kagatin ito. Sa gayun ay maging malakas ang pasok ng pera. Saka mo na isipin ang pagod. Ang isipin mo ay makaipon at makarami ng madedelihensya.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Magiging maaliwalas ang iyong araw kahit wasted ka. Pasasayahin ka ng iyong mga kaibigan at kamag-anak. Pagtitiisan mo rin ang ‘di inaasahang responsibilidad dahil may kapalit itong pagpapala.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi masama ang tumanggi sa isang alok o hinihinging pabor. Tama ang magpakatotoo ka. Baka ma-disappoint lang sa iyo kapag kinagat mo ang isang sitwasyon kinakailangan ang palabra de honor. Mabuti na ‘yung maingat kaysa sa masuong sa gusot.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Iwasang isipin ang mga problema ng ibang tao. Huwag kang magpapaapekto. Hindi mo kargo ang kanilang suliranin. Kung nasabi man nila sa iyo ang kanilang problema, moral support ka na lang muna.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi sa lahat ng pagkakataon ay repleksyon ng isang tao ang damit na kanyang isinusuot. Akala nila small time dahil sa iyong porma. Pero, big time pala. Manatiling simple kaysa sa magpabongga ng porma. Mas naiiwasan mo pa ang mamolestiya sa pinansyal na aspekto mula sa mga taong mapagsamantala.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi biro ang magpakabayani. Dahil sa iyong bestfriend, nagawa mong magparaya. Martir ka ika nga. Pero, kahit anong gawin mong pag-iwas sa taong mahal mo, babalik at babalik pa rin siya sa iyo.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Perfect timing ang pagtanggap mo ngayon sa isang malakihang proyekto. Nasa kondisyon kasi ang katawan at pag-iisip mo. Mainam na samantalahin ang oportunidad upang sumagana sa pamumuhay.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi tama na manahimik ka na lang sa kanilang pinagsasasabi sa iyo. Nagmumukha kasi silang timang. ‘Di nila alam ang totoo. Dapat mong ipabatid sa mga kasamahan mo ang totoo tungkol sa iyo. Sa gayun ay makaiwas ka na sa tsismis.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Gagaan ang iyong pakiramdam kung matututo kang magpatawad. Matagal mo na ring kinimkim sa iyong puso at isip ang sama ng loob. Panahon na para pakawala iyon. Sa gayun ay mas makakakilos ka ng maayos.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Oks lang na ma-inlove ka ngayon. Pero, malilito ka nga lang. Kasi, mas crush mo ang ‘di naman kagandahan kaysa sa maganda naman. Bagay na ipinagtataka ng iyong kaibigan. Tatamaan ka kasi ng power aesthetics ng bagong babaeng iyong kinahuhumalingan.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ang pagtulong sa mga kapus-palad ay mainam. Tama ang iyong ginagawa. Kasi, ikaw nama’y pinagpapala. Ikaw ay nagpapautang sa Panginoon. Kaya, Siya na ang bahalang magkakaloob sa iyo ng kakailanganin mong biyaya. Sa gayun ay lalo ka pang makatulong sa iba.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) May ipatatagong isang mahalagang bagay sa iyo ang isa sa mga kaibigan. Subalit, mawawala ito. Magtatampo siya sa iyo. Pero, hindi mo na kasalanan iyon. Dapat siya ang magtago at hindi ikaw.


  •  
  •  
  •