HOROSCOPE SEPTEMBER 16, 2020

HOROSCOPE SEPTEMBER 16, 2020

September 16, 2020 @ 7:00 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Magiging maganda ang mood sa araw na ito kaya maraming kapaki-pakinabang na gawain ang matatapos. May bagong kaalaman at kakayahan ang matututuhan sa araw na ito.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —      Maging maagap sa pag-aasikaso ng mga personal na papeles na may kinalaman sa negosyo. Makaaasa ng moral support sa pamilya at minamahal ngayon.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — May ilang makakasama ngayon na kaibigan o kasamahan sa trabaho na maaaring maging sakit ng ulo. Upang hindi masira ang buong araw, panatilihin ang pagkamahinahon.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Patatagin sa sarili ang disiplina at pagiging responsable sa lahat ng bagay upang gumanda ang takbo ng buhay. Walang mapapala kung panay barkada ang aatupagin.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — May mabuting kahihinatnan ang pagtalima sa payo o gabay ng mga magulang tungkol sa pagpapamilya. Magkakaroon ng magandang pagkakakitaan sa araw na ito.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Iwasan na maging palabiro dahil makahaharap sa araw na ito ang isang kaibigan na mainitin ang ulo. Huwag ipagpaliban ang gawain na magagawa sa araw na ito.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Mapanghahawakan ang pangako at pagmamahal ng kasuyo na malalayo sa’yong piling. Upang hindi matukso o magkasala, panatilihin ang regular na komunikasyon sa minamahal.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Para gumaan ang patong-patong na bagabag ng buhay ay lumapit sa Poong Maykapal. Kung wala sa plano ang lakad, huwag nang tumuloy upang makaiwas sa aksidente.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Kahit na nararamdaman na magiging sunod-sunod ang biyaya, panatilihin ang maingat na mga pagkilos. Isang bagong kaibigan ang magiging daan sa pagkakaroon ng proyektong pangkabuhayan.

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Huwag panghawakan ang pangakong tulong ng isang kaibigan o kamag-anak sa araw na ito dahil maging sila ay nasa kagipitan din. Upang makaiwas sa kakapusan, doblehin ang kayod.

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang mabilis na pag-aksyon sa problema sa loob ng kompanyang pinaglilingkuran ang magliligtas sa’yo sa mga taong may lihim na inggit o galit.

 




 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Ngayon mabubuo ang tungkol sa pinaplanong negosyo pero dapat maging matalas ang isipan upang hindi mabiktima ng katusuhan ng mapipiling partner.


  •  
  •  
  •  

Loading...