HOROSCOPE SEPTEMBER 17, 2020

HOROSCOPE SEPTEMBER 17, 2020

September 17, 2020 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Diplomasya ang magiging susi upang mapakibagayan ang mga kakilalang mahirap pakisamahan. Walang kahirap-hirap na maipapakita ang talento o kakayahan sa trabaho.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —      Kung mabibigyang katuparan agad ang binabalak na negosyo ay siguradong may matata­mong ka­unlaran. Isang kaibigan na may matinding problema ang mabibigyan ang panibagong pag-asa.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magiging masaya sa loob ng tahanan kung hindi magiging mapaghanap ng labis na atensyon mula sa minamahal. Iwasan ang pagbabaka-sakali sa anomang gawain o hakbangin upang maiwasan ang mga pagkakamali.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Dapat tulungan ang minamahal sa mga aktibidad na pangkabuhayan upang mapayabong ang kapakinabangan na idudulot nito sa pamilya.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang lahat ng gawain ay dapat isakatuparan nang may maalab na hangarin na mapahusay ang kalalabasang resulta. Sa larangan ng pag-ibig, hindi dapat magpaligoy-ligoy sa pagpapahayag ng saloobin.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —   Makagagawa ng makabuluhang bagay sa tinanggap na proyekto batay sa kakayahan na inaasahan ng mga kasamahan sa trabaho. Higit na magiging komportable sa mga gawaing pangkaisipan kung mapapanatag ang damdamin sa usapin ng pag-ibig.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —        Mag-ingat ngayon sa mga taong may matatamis na dila at magpapakitang giliw upang hindi mabiktima ng manloloko. Intindihin ang isang kaibigan dahil siya ay may pinagdaraanan kailangan niya ngayon ang iyong pag-unawa.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung magiging totoo sa bibitiwang mga salita, mapananatili ang respeto at pagtitiwala ng mga malalapit na kaibigan. Makararanas ngayon ng matumal na pagkita sa negosyo pero sa susunod na mga araw ay may malaking swerteng darating.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —       Dapat pahalagahan din ang ikabubuti at ikauunlad ng mga taong nasa paligid nang maging maayos ang relasyos sa lahat. Mag-ingat sa pagpapahayag ng kalooban o opinyon sa mga kasamahan sa trabaho upang walang makasamaan ng loob.

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —         Kung may binabalak o nais gawin ay hindi dapat mag-alinlangan upang hindi maging mapakla ang hinahangad na bunga. Magiging maganda ang araw na ito para sa pag-ibig.

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) —       Huwag mabahala sa pagtanggap sa itotokang trabaho kung naaangkop naman ang angking kakayahan. Tatakbong maginhawa ang mga bagay na napasimulan na kung magiging organisado ang bawat kilos.

 




 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Pag-aralan kung papaano mapalalakas ang karisma upang umunlad ang career o negosyo. Bigyan ng kaukulang pansin ang dahilan ng ipinagtatampo o ikinagagalit ng minamahal.


  •  
  •  
  •  

Loading...