HOROSCOPE SEPTEMBER 19, 2020

HOROSCOPE SEPTEMBER 19, 2020

September 19, 2020 @ 7:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) May makakamit na tagumpay sa araw na ito kaya mapupuno ng saya ang buong maghapon. Ngayon na magagamit at pakikinabangan ang taglay na galing at talino sa trabaho.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —      Panatilihin ang kasiglahan at katapatan sa nililinyang trabaho kung gustong may magandang mapala sa darating na bukas. Ngayon magiging mahalaga ang pagkakaroon ng ambisyon sa buhay.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mapatutunayang totoo na sa panahon ng kalungkutan ay matatagpuan ang sarili na nag-iisa. Dapat munang unahin ang kapakanan ng pamilya kaysa magpakaligaya sa kinahuhumalingang kalayawan.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Manatiling nagtitiwala sa sariling kakayahan upang magawang mapangibabawan ang problemang darating. Makakukuha ng magandang resulta kung magiging positibo ang lahat ng hakbang.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magiging malakas ang dating ng personalidad sa mga opposite sex kaya umiwas sa tukso. Laging isaalang-alang ang mga bagay na mahalaga upang hindi mawala.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —   Walang masamang resolbahing mag-isa ang problema ng pamilya kung talagang makakayang gawin. Hindi dapat patulan ang sumpong ng minamahal para hindi mauwi sa matinding tampuhan.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —      Dagdagan ang pasensya at pang-unawa kung nais maging maayos ang relasyon sa mga kasamahan sa trabaho. Walang mapapala sa pagiging mapagmataas.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung walang pagbabago sa pagdiskarte, malamang makarating sa dulo ng tagumpay. Pag-aralang mabuti ang matatanggap na payo at suhestiyon sa araw na ito bago sundin.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —    Isang magandang oportunidad ang makakamit sa paghahanapbuhay kung nasa matuwid at tamang landas. Hindi pabor ang galaw ng mga bituin sa binabalak na pagtatayo ng negosyo.

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —      Isang malaki at masayang pagtitipon ang malamang na daluhan sa araw na ito. Huwag hayaang magkaroon ng dahilan na magselos ang minamahal upang hindi magkalamat ang magandang samahan.

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) —    Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga sa paghahanapbuhay upang magkaroon ng pagkakataong makaahon sa krisis-pinansyal. Kung hindi magiging mainipin ay makararating sa pag-asenso.

 




 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Makapagpupundar ng magandang koneksyon kung ipagpapatuloy ang pakikihalubilo sa kinabibilangang sirkulo. Maging maingat sa pagpili ng kakaibiganin at pagtitiwalaan nang lubusan.


  •  
  •  
  •  

Loading...