HOROSCOPE SEPTEMBER 21, 2020

HOROSCOPE SEPTEMBER 21, 2020

September 21, 2020 @ 7:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Ang mga pangyayari sa nakaraan ay may aral na magagamit sa paglutas ng suliranin. May magandang pagbabago sa trabaho at ma­ging sa usaping pampuso. Ingatan ang kalusugan.

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —      Maaaring sapat lamang ang kinikita sa ngayon pero sa pamamagitan ng ibayong sikap at sipag ay pwedeng sumagana ang buhay. Magkakaroon ng pagkakataon para sa buhay-ispiritwal.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Pinapatnubayan ng magandang kapalaran ang anomang uri ng transaksyon na may kinalaman sa negosyo. Alamin at pagsikapang mapunan ang mga naging pagkukulang sa nagdaang mga araw.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Sa araw na ito ay magkakaroon ng pagkakataon na makakita ng magandang diskarte na pwedeng pagkakitaan nang malaki. May matutuklasan ngayong araw na isang sikreto na may kinalaman sa trabaho.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Walang buting idudulot ang pagiging balat-sibuyas. Iwasan din ang pagiging bugnutin upang makahikayat ng suwerte sa negosyo. Mada­ling maisaaayos ang anomang problema sa dakong hapon.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Naaayon ang panahon upang ipamalas ang kakayahan bilang isang li­der. Sikaping maging matatag sa pagsubok. Makukuha ang suporta ng malalaki at maiimpluwensyang tao sa trabaho.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —    Sundin ang ipapayo ng mga magulang o mga nakatatanda lalo’t hindi kabisado ang kinakaharap na suliranin. Gamitin ang dara­ting na oportunidad para sa pagpapatatag ng kabuhayan.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magiging maramdamin sa mga taong kasa-kasama sa pamumuhay subalit mangingibabaw pa rin ang kasiglahan sa bandang hapon. Kung may negosyo, malaki ang posibilidad na maging maswerte sa iba’t ibang anyo ng pakikipagsapalaran maliban sa pagsusugal.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Pag-ibig ang makalulutas sa iyong kasalukuyang problema. Iwasan ang masangkot sa gulo ng iba lalo’t tungkol sa pera. Iwasan ang mga taong sobra ang tamis ng dila upang hindi mabiktima.

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Isang kaibigan ang magbibigay ng problema. Iwasan ang pagmamadali sa mga desisyon dahil nakaamba ang pagkakamali.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang pagi­ging mapaghinala sa kapwa ay magdudulot ng kalungkutan. Hindi dapat mabilanggo sa anino ng kahapon.

 

 




 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Madaling makukuha ang tiwala ng mga tao sa paligid sa pagpapakita ng natatagong katangian at talino.  Dahil sa kagipitan sa pananalapi, mapag-iisip-isip na mahalaga sa buhay ang tiyaga at pagsisikap.


  •  
  •  
  •  

Loading...