HOROSCOPE SEPTEMBER 22, 2020

HOROSCOPE SEPTEMBER 22, 2020

September 22, 2020 @ 7:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Magagamit ang taglay na galing at talino sa trabaho kaya magtutuloy-tuloy ang pag-unlad sa buhay. Higit na magiging produktibo ang malikhaing isipan kung maiingatan at mapapangalagaan ang kalusugan ng sarili.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —      Magiging magaan ang kalooban sa araw na ito dahil sa tulong ng minamahal na malutas ang bagabag. Magiging maamo ang swerte sa trabaho dahil sa taglay na kabaitan.

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Positibong isipan at damdamin ang pairalin upang mapalakas ang tiwala sa sarili. Sa usapin ng pag-ibig, napapanahon ang pagpapadama ng init ng pagmamahal sa kasuyo na napagkakaitan ng kaukulang pansin.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Umiwas sa matataong lugar upang hindi masisi sa bandang huli. May taglay na sipag, tiyaga at talent kaya makararating sa tagumpay sa nililinyang trabaho o negosyo.

 

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang dunong at tiyaga sa nililinyang trabaho ay magdudulot ng pag-asenso sa darating na araw. Magkakaroon ng malaking kapakinabangan ang pagbibigay ng panahon sa mga aktibidad na pagkakaperahan.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Malaking tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ang magandang relasyon sa mga taong may koneksyon sa trabaho. May taglay na swerte ang magiging katuwang sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  May magandang mapapala sa pakikiisa sa mga aktibidad na isinusulong ng mga tao sa kinabibilangang komunidad. Makadarama ng malaking kasiyahan kung magagampanan ang tungkulin sa sariling pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Manatili sa tuwid at patag na landas kahit dumaan sa tukso at sari-saring tiisin. Magtiwala sa angking talino upang maitaguyod ng maayos ang career o negosyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Ang matibay na pananalig sa Maykapal ang magtatawid sa kinakaharap na suliranin. Ganap na liligaya sa piling ng minamahal sa pag-aangkin ng malinis at tapat na hangarin.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Sa impluwensya ng galaw ng mga bituin ay makukuha ang nilalakad na kontrata sa negosyo. Ang nakakamit na magandang kapalaran sa paghahanapbuhay ay dapat ipagpasalamat sa Poong Maykapal.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Unahin ang pamilya o iniibig na ngangailangan ng sapat na atensyon ngayong araw kaysa sa pakikipagsosyalan. Dapat sundan ang yapak ng mga kaibigan na naging matagumpay sa buhay.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Iwasang maging suliranin o isyu sa kaibigan o kasamahan sa hanapbuhay ang pera. Patibayin ang pagmamahal sa loob ng pamilya upang maging sandigan sa oras ng kalungkutan.


  •  
  •  
  •  

Loading...