HOROSCOPE SEPTEMBER 23, 2020

HOROSCOPE SEPTEMBER 23, 2020

September 23, 2020 @ 7:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Huwag mabahala sa nararanasang baba-taas sa kalagayan sa pananalapi dahil makabubuwelo sa usaping pangkabuhayan sa malapit na hinaharap. Dapat alagaan ang pansariling kalusugan.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —      Hindi pwedeng dasal lamang ang asahan sa hinahangad na tagumpay kaya dapat samahan ng mga pagsusumikap. Isang kakilala na hindi dating kinagigiliwan ang nakatakdang ma­ging kaibigan o karelasyon.

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — May kapalit na magandang karma ang walang sawa at tuloy-tuloy na pagtulong sa kapwa. Matatapos nang mas maayos at maganda ang mga nakatokang trabaho kung lalakipan ng sipag at tiyaga sa mga gawain.

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — May dapat na ipagsaya sa araw na ito dahil magugustuhan ng kompanyang pinaglilingkuran ang performance sa trabaho. Makasasakit sa damdamin ng kasuyo ang pagiging taklesa sa pagbibitiw ng mga salita.

 

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi dapat panghinaan ng loob kung hindi man makamit agad ang mga pangarap sa buhay. Mangingibabaw sa dakong huli ang kaligayahan sa pagtatagumpay kung magagawang malampasan ang mga pagsubok.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Sa araw na ito malamang maaprubahan ang kontrata para makapaghanapbuhay sa ibang bansa. Kung wala pang trabaho sa ngayon, may posibilidad na magamit ang talento sa kompanyang inaaplayan.

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Mapalalakas ang relasyon sa mga kasamahan sa kinabibilangang sirkulo sa larangang may kaugnayan sa trabaho. Disiplinahin ang sarili na kapag may sinimulang gawin ay dapat tapusin.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi dapat mainip dahil malapit nang matamo ang inaasam na malaking kita sa trabaho. Sa mga walang asawa, ngayon na malamang matatagpuan ang pag-ibig sa pakikipagrelasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Makaaangat sa kalagayan sa estado ng pananalapi dahil magkakaroon na ng extra income sa nililinyahang trabaho. Ngayon ang magandang tiyempo upang ipahayag ang kimkim na damdamin sa iniibig.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Sa araw na ito mapatutunayan sa sarili na ang pakiki­pagrelasyon sa kasuyo ay tulad ng halaman na kinakailangang diligin upang yumabong. May pag-asang matagpuan ang suwerte sa pagnenegosyo.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dahil sa malakas na impluwensya ng mga bituin ay magiging maamo ang suwerte sa pag-ibig at paghahanapbuhay. Ang mga pagkakataon ay hindi pabor upang matuloy ang binabalak na paglalakbay.

 

 




 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Magpapatuloy ang magandang daloy ng pananalapi subalit kailangang maging matalino sa paggamit at pagtulong sa kapwa. Umiwas sa kalayawan lalo na sa anomang bisyo upang maabot ang pag-asenso.


  •  
  •  
  •  

Loading...