HOROSCOPE SEPTEMBER 24, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 24, 2022

September 24, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — You can’t please everybody. ‘Yan ay isang reyalidad. Kahit anong gawin mo, hindi lahat at matutuwa sa iyong pag-angat. Bagkus, may maiinggit pa nga. Hayaan mo na lang sila dahil nagmumukha silang hangal. Nabubuhay na lang sa inggit at paninigbugho ang iba na ayaw magsikap at magbanat ng buto. Subalit, ikaw naman ay lalo pang mabibiyayaan dahil sa iyong masipag.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kahit may mga nakaambang problema, nananatili ka pa ring positibo. Sapagkat alam mong darating sa takdang panahon ang tulong mula sa Itaas. Kaya, wala sa bokabularyo mo ang mabalisa. Dahil ganyang pananaw mo sa buhay ay ibubuhos sa iyo ng Maykapal ang pagpapalang material. Hindi lamang iyan, pakakalooban ka pa Niya ng mahabang buhay at lakas, lusog ng pangangatawan at mga tagumpay.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang iyong pagiging masayahin ay parang kamandag na nakahahawa sa iba. Ito ay isang maganda at positibong reaksyon sa iba upang manatili silang masaya sa kabila ng kinakaharap na suliranin, maliit man ito o malaki. Dahil sa iyo, mahahawa mo rin sila ng pagpapalang darating sa iyo. Maliit man o malaki ang biyaya, masayang magpasalamat sa ating Lumikha.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Ang araw ay patuloy sa pagsikat sa silangan kapag sumapit ang bukang-liwayway. Gayundin ang buwan na patuloy na nagbibigay ng liwanag kapag sumapit ang gabi. Gaya mo, patuloy kang magniningning kahit nagkakaedad na.Hindi hadlang ang edad sa pagkakaroon ng mabuting oportunidad. Kusa itong darating sa iyo dahil sa ika’y hubog at sanay na sa karanasan at may kakayahan. Ngayong araw, may bagong pinto na magbubukas para sa iyo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Makabubuti minsan ang pagbalik-tanaw sa mga nakaraan. Isipin mo ang masasayang alaala gaya ng pagpatak ng ulan. Sa sandaling iyon, makararamdam ka ng kaunting lungkot at saya. Ngayon ang panahon upang simulan mo ang paglatag ng isang aktibidad upang muli mong makasama ang iyong mga kaibigan at kaklase noong nag-aaral ka pa. Makabubuti ito sa inyong lahat kapag natuloy.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag kang umasa sa himala. Ang himala ay nagaganap lamang sa buhay ng mga taong sumasampalataya at nagtitiwala sa Diyos; at may kalakip na gawa.Walang mangyayari sa iyo kung maghapon ka lang nakatunganga. Sumama ka sa mga taong masisipag at may positibong pananaw sa buhay, na may tiwala sa Diyos. Siguradong ikaw ay magtatagumpay. Subukan mo ngayon at makikita mo ang malaking pagbabago.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kahit hindi mo inaasahang magbabalik siya, talagang babalik siya sa iyo. Hindi mo ito pwedeng pigilan dahil iyan ay nakatakda gaya ng patuloy na pag-agos ng tubig sa ilog; at gaya ng patuloy na paghampas ng alon sa dalampasigan. Ganyan ang pag-ibig na hindi pa rin mawala sa puso ng bawat isa. Kung mahal ka pa niya at mahal mo pa siya, bakit hindi nyo bigyan ng isa pang pagkakataon ang bawat isa? Hayaan nyong lumigaya ang inyong mga puso kahit nagpapakipot pa ang inyong mga pag-iisip.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung minsan, nabibigyan ng iba ang iyong constructive critism ng ibang kahulugan, gayung nagmamalasakit ka lang naman para mabago ang kanilang maling kaugalian o kilos. Sila ang mga taong sarado at baluktot ang pag-iisip. Maiging huwag ka na lang magsalita sa kanila at magbigay ng opinyon. Sa pag-ibig, may bagong inspirasyon na magpapatibok ng iyong puso.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Habang kumikita ka ng malaki sa iyong trabaho, mag-impok ka. Dahil kapag nagipit ka minsan, walang tutulong sa iyo. Maiging tumayo ka talaga sa sarili mong paa. At kung may kaibigan o kaanak na lalapit sa iyo upang humingi ng tulong, huwag kang makait. Tumulong ka sa abot ng iyong makakaya at tutulungan ka rin lagi ng nasa Itaas.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Maiging mag-enjoy minsan upang namnamin ang perang iyong pinaghirapan. Siguraduhin mo lang na huwag kang lalagay sa kasabihang ‘sky is the limit’.Sa gayun ay hindi ka maubusan.Ang maayos at mabuting pagsasaya ay mainam paminsan-minsan upang sumaya ang iyong puso. Gayunman, hindi maiiwasang may mga taong maiingit dyan. Dedmahin mo sila dahil hindi naman nila pinagpaguran ang perang iyong kinita.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Suwerte ka ngayon dahil mabibiyayaan ka. Gayunman, ipakita mo na normal pa rin ang iyong ikinikilos. Huwag kang sobrang ngumiti at huwag ding sobrang nakabusangot. Sa gayun ay hindi mabasa ng iyong kapwa ang laman ng iyong pag-iisip. Huwag mo ring ilalahad kahit sa iyong kaibigan ang lihim na ipinagkatiwala sa iyo. Ihahayag yan kusa ng pagkakataon at ng tamang panahon.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Darating kung darating ang para sa iyo ang isang bagay o isang tao na dapat mahalin. Ang kailangan mo lang ay umasa na taglay ang positibong kaisipan. Matutong magtiis, magtiyaga at maghintay. Bawasan mo rin ang bahagyang kapalaluan upang matuwa sa iyo ang mga tao. May gusto nila ang tahimik ka lang ay matutong makinig sa suhestiyon ng ibang tao.