HOROSCOPE SEPTEMBER 27, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 27, 2022

September 27, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung palihim kang naglalaro ng apoy gayung may nagmamay-ari na sa iyo, itigil mo na ito. Buhusan mo na ng lupa o ng tubig ang apoy bago pa tuluyang lumiyab nang husto at lumikha ng makapal na usok. Hindi ba’t nalalaman ang isang sunog dahil sa makapal na usok? Lumihis ka na at mahalin siya ng tapat. Baka mapatawad ka pa niya kung sakaling alam na niya; tapos bumalikwas ka agad sa paglalaro ng baga. Mahirap magsisi sa huli.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kung sino ang hindi mo sinisinta, siya ang pagpapalain at magtatagumpay. Ang siya mo namang sinisinta ay mamalasin. Ibig sabihin, kung may dalawa kang suitor at may pagtatangi ka sa isa, huwag mo na siyang siraan sa kanyang karibal. Baka ang hindi mo gusto ang siyang habulin mo sa bandang huli. Hangga’t wala kang sinasagot, hindi ititigil ang hindi mo mahal sa panunuyo sapagkat wala ka namang sinasabi. Sabihin mo ang totoo nang sa gayun ay hindi mo na siya lalo pang mahamak.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag mong masyadong maliitin ang iyong sarili.Baka ang inaakala mong kapintasan sa iyo ay siya namang gustong inaasam ng iba. Kung hindi ka naman o pangit talaga, bakit sasabihin mong pangit ka? Kung inaakala mong sa pagsasabi mo niyaon ay nagpapakumbaba ka, nagkakamali ka dahil nagmamapuri ka ng palihim sa iyong puso. Huwag kang mag-alala, marami ang nagagandahan sa iyo at gaganda ka pa kung aayusin mo lang lalo ang sarili mo, okay!

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — May mabubuong magandang proyekto ang tropa nyo, kung saan ikaw ang nais nilang maging lider. Dahil pare-pareho naman kayong resourceful at creative, ituloy na ninyo ang paggawa ng vlog. Nag-e-enjoy na kayo, may naghihintay pang konsolasyon sa inyo na biyaya pagdating ng panahon. Magbubunga naman ito ng maganda kapag tinutukan n’yo nang husto.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mababalewala ang iyong pinaghirapan kung magtitiwala ka sa isang taong walang isang salita at negatibo ang isipan. Ipagkatiwala mo ito sa responsable at may isang salita. Sa gayun ay hindi mabitin ang ginagawa nyong proyekto at mabayaran agad kayo kapag natapos na ito.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Umiwas ka sa mga taong laging bumabangka at bida sa usapan; habang abala sa mesa at nagtitimpla ng alak. Baka magmitsa ng mainitang pagtatalo at away ang kanilang kahangalan sa usapan. Baka mada-may ka pa roon. Kung hindi maiiwasang uminom, magsama ka ng isang taong tahimik at mababa ang loob at isama sa inyong bahay pati ang kanyang kabiyak. Sa gayun ay may katuwang ang iyong misis sa pagsisilbi sa inyo. Baka sa usapan ninyo’y makaisip pa kayo ng magandang plano.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Hindi porke sinasabi nila sa iyo na habulin ka ay gayun na nga! Bakit, nakikita mo ba talaga na hinahabol ka ng babae? Marami ba talaga ang nagpaparamdam sa iyo? Huwag kang padaya, sapagkat ang mga taong may interes sa iyo ay naglilihim na ipabatid ito sa iyo. Baka maitulak at maibuyo ka ng mga taong bilib kuno sa iyo sa isang pagkakamali. Kung sino ang gusto mo, siya lang at huwag kang titingin sa iba habang siya ay iyong nililigawan.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag kang mahihiya sa pagsasabi ng iyong nararamdaman at puna ngayong araw. Malaki ang epekto nito sa magagawa nyo ng mga kasamahan mo sa trabaho. Magbubunga ito ng positibong resulta. Sa pamamagitan ng kape, makikilala mo ang isang taong magpapatibok ng iyong puso. Sa anong paraan at pagkakataon? Darating iyan ng hindi mo inaasahan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi kayo magkakaunawaan ng iyong kasuyo dahil sa ipinipilit niya ang kanyang gusto. Gusto mong magtrabaho sa ibayong-dagat. Pero, ayaw niya sa kabila ng iyong paliwanag. Sa pagkakatong ito ay huwag mo siyang sundin. Sapagkat para rin sa inyong dalawa ng iyong gagawin. Tutol siya sa umpisa, papayag din siya sa bandang huli.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Bigyan mo ng panahon ang iyong pamilya kahit masyado ka nang abala sa trabaho. Ipasyal sila sa mall o sa park kapag day-off mo o kaya weekends. Sa ganito ay mawawala ang pagtatampo sa iyo ng iyong mga anak. Ibuhos ang iyong buong makakaya sa task na ibini-bigay sa iyo. Sa gayun ay lagi kang pagtiwalaan at sa iyo na ipagagawa ang maseselang task sa trabaho.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Hindi lahat ng bagay ay alam mo at hindi rin alam ito ng kaibigan mo. Samakatuwid, magpalitan kayo ng opinyon at ideya na hindi hahantong sa pagtatalo. Sa gayun ay magawa ninyo ng maayos at matapos ang proyekto na pagdadaluyan naman ng mga biyaya. Kung ikaw ay aanyayahan sa isang salo-salo kasama ang isang kaibigan, tumanggi ka kung kagagaling lang ninyo sa ibang bahay at katatapos lang kumain. Baka isipin nila na matakaw ka.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Kung may lakad kang hindi naman talaga mahalaga, huwag kang tumuloy. Manatili ka na lang sa bahay at manood ng pelikulang nakatatawa. O kaya, magluto ng kakanin o ibang pagkain. May darating ka kasing hindi inaasahang bisita na maghahatid sa iyo ng magandang balita tungkol sa kaperahan.