HOROSCOPE SEPTEMBER 3, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 3, 2022

September 3, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Bawas-bawasan mo ang pagpapakuwela dahil aakalain ng iba na mayabang ka. Iba na lang ang pakarahin mo sa kuwentuhan nyong magkakatropa. Kaysa sa magbabad ng oras sa barkada, tapusin mo ang mga trabahong pinapagawa sa iyo sa opisina at baka matuwa pa sa iyo ang boss mo at ilibre ka pa niya.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Magtiis-tiis ka muna kahit saglit. Kasi, agad namang darating ang biyaya sa iyo kada linggo. Gayunman, mapapansin mong matagal maubos ang perang napa sa iyo. Ang iyong pagsisikap ay magbubungang malaking biyaya sa hinahanap sa lalong madaling panahon.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Kung kaya mo rin lang magkusang gawin ang tama at mabuti, gawin mo nang walang hinihintay na utos o kapalit. Sapagkat, ang langit ang labis na matutuwa sa iyo. Mas mainam na nakapagbibigay kang lugod sa Diyos kaysa sa tao.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Magiging madali para sa iyo ang magawa ang ilang bagay dahil tutulungan ka ng ilang kaibigan, kakilala at kamag-anak. Kaya, madaling matatapos ang iyong mga gawain at proyekto. May paparating din na halaga na ipadadala ng iyong mga pamangkin mula sa ibang lugar.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Umiwas sa mga taong pilosopo lalo na pagdating sa negosyo. Na nagnanais na kumita o tumubong malaki mula sa maliit na puhunan sa mabilis ang paraan. Walang ganun. Dapat pinagsisikapan iyon. Kung gusto niyang tumubong malaki, magtinda kamo siya ng tubo. Ibig sabihin, huwag mo siyang papayuhan dahil hindi rin naman ito makikinig.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Hindi kanila dapat basta-basta hinuhusgahan. Iba kasi ang nakikita nila kaysa sa totoong ikaw. Pero, panatilihin mong gayun ka batay sa kanilang nakikita at naririnig. Sa gayun ay maligaw sila sa totoong ikaw dahil hindi ikaw ang tipong kaibigan na bibigyan ng pansin. Mas magiging tahimik pa ang buhay mo kapag ganito at malayo sa stress.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Palagi ka bang binabangungot? Puwes, mag-alaga ka ng dalawang pusa dahil nagtataboy sila ng sleep paralysis. Huwag ka rin kasing masyadong nag-iisip at magpapaka-stress. May magbibigay sa iyo nito at magiging bahagi siyang buhay mo. Siya ang magiging bagong pag-ibig mo na ang pangalan at katunog din ng pusa.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Masyado kang hype kapag nakikita mo siya. Ingat lang at baka ikaw ay madisgrasya at baka mahulog ka sa imburnal. Pero, alam mo bang may magandang epekto ito kung sakaling mangyari iyon sa iyo? Mapapansin ka niya at malalaman mong concern siya sa iyo at may gusto rin pala.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€”Kahit may pera ka, huwag mong sabihin sa beshy mo na meron dahil madaldal iyon. Magiging blockbuster ka sa mga taong lalapit sa iyo para utangan ka. Tahimik ka lang para walang problema. Kung may time ka, maiging magrelaks ka at mamasyal sa mall para makapulot ka ng pera.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Huwag kang sasama sa mga taong kulang sa pansin tapos nagpapansin. Madadamay ka sa ka-epalan nila. Hindi mo na kasalanan kung ikaw ang mas napapansin kaysa sa mga kaibigan mo at kakilala. Kasi, kapansin-pansin ka talaga. Pero, humble ka lang para kapitan ka ng suwerte. Malay mo, ikaw na ang next big thing.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€”Utang na loob, huwag mong sagutin ang suitor mo na pangit pero mapera at may kotse. β€˜E hindi mo naman mahal yun. Mapapahamak ka lang sa pekeng damdamin ko na kunwari’y mahal mo siya. Tapatin mo na siya habang maaga para di ka na niya kulitin. Kasi, di ka komportable sa bahay nyo kapag nandun ang taong iyon.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Magugulat ka na isang araw ay kakatok sa bahay nyo ang taong may utang sa iyo. Kasi, nahihiya na rin siya sa iyo. May pera kasi siya kaya naisipan niyang magbayad na sa iyo. Kaya huwag ka nang magtampo o ipagtabuyan siya kapag nakita. Hindi ka niya uutangan, okay, magbabayad siya.