HOROSCOPE SEPTEMBER 30, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 30, 2022

September 30, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Iwasan mo ang tsismis at pakikipag-usap sa mga taong ang laging topic ng usapan ay kasiraan ng kanilang kapwa. Baka kapag nakatalikod ka, ikaw naman ang bida sa usapan nila. Sayang lang ang oras mo sa kanila. Sa halip, makipagtalakayan ka sa mga taong ang topic ng usapan ay ang pagkalap ng karunungan. Bukod sa madadagdagan na ang iyong kaalaman, natututo ka pang kumilos bilang isang taong may pinag-aralan. Ihanda ang sarili sa isang bagong proyekto.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Talagang ikaw ay isang taong matiyaga at matiisin. Makabubuti na sa oras ng ka-gipitan ay tahimik ka lang. Huwag mong ipakikita ang iyong kahinaan sa karamihan. Ang iba kasi sa mga tao kapag nalaman ang problema mo, sa halip na tulungan ka, tila tuwang-tuwa pa sila na nagkaganyan ka. Matatanggap mo ang isang financial assistance sa proyektong ipinagkatiwala sa iyo. Malaking pagbabago rin ang magaganap sa iyong sarili.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magiging masaya ka dahil sa tagumpay ng iyong ikinasang proyekto at aktibidad. Bagama’t may mga nainggit at umusal ng lihim, na sana’y hindi ito mag-work, nabigo sila. Kasi, marami rin ang nananalangin na magtagumpay ito. May mga magagandang bagay ka rin na matatanggap para sa iyo at sa iyong pamilya.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Hindi bagyo at baha ang kayang magpabagsak sa iyo. Basta gumawa at humanap ka lang ng paraan, ibibigay sa iyo ang kailangan mo o ang hinihingi mo. Dahil sinong Diyos ang hindi maaawa sa iyo at hindi kayang ibigay sa iyo ang iyong pangangailangan. Ang pagdalaw at pakikipag-bonding sa mga kaanak ay mainam upang sumaya ka. Sa ganitong paraan, aalalayan ka nila sa iyong pagkabalisa.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung hindi naman para sa iyo ang gawain na kakatuka para sa iba, huwag mo itong saluhin. Dahil ang kaisipan nila ay hindi mo naman kaisipan. Magiging sanhi kasi ito ng iyong pagkakasakit ng ilang araw. Ipahinga mo ang iyong katawan at iwasan mo muna ang kaka-overtime. Mainam na manood ka ng nakatutuwa o comedy films, kahit na cartoons upang makaramdam ka ng kakaibang sigla at hindi ka dapuan ng trangkaso.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Pinanindigan mo noon na hindi ka na muling iibig pa. Ano ‘yan, tsarot? Puwes, nagkakamali ka at mahirap magsalita ng tapos. Magkakaroon ka ng isang bagong kakilala at magiging malapit siya sa iyo. Magaganap ito sa susunod na buwan. Hindi mo maiiwasang hindi ma-develop sa kanya. Bawas-bawasan din ang paggastos dahil baka may biglang gastusin kang kakaharapin.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Wala sa bokabularyo mo ang salitang hirap at pagsuko. Kaya naman, magtatagumpay ka sa iyong research upang mapaunlad mo ang iyong career. Iwasan mong magbigay ng ideya sa iba, dahil baka mabiktima ka ng credit grabbing. Kung hindi ito hinihingi sa iyo, huwag kang maglalahad. Mainam ding pumasok sa isang financial contract dahil pagkakatiwalaan ka naman ng kausap mo rito.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Sa pag-ibig, hindi na mahalaga ang agwat ng edad. Basta nagmamahalan kayo at hindi naman nalalayo ang hitsura niya sa hitsura mo; na para lang kayong magsing-edad, go ka lang sister. Tiyak na liligaya ka sa piling niya. May bagong pagkakaabalahan sa susunod na buwan. Bukod sa mag-e-enjoy ka na, kikita ka pa.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung alam mong hindi ko kakayanin ang isang task na itutuka sa iyo, maaari ka namang magsabi ng ‘no’, Kaysa sa makompromiso ka tapos hindi mo naman matutupad. Sa ganyang kaisipan, inililigtas mo pa ang sarili mo sa kahihiyan at sa pangmalas ng iba na ikaw ay isang hambog. Gawin lang ang tama at tapat sa trabaho upang maging maayos ang daloy ng mga biyaya.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kagaya ng iyong zodiac sign, hindi ka pwedeng umibig sa dalawa. Iisa lang ang ating puso, kaya iisa lang ang dapat mong mahalin. Kaya naman, pag-aralan mong mabuti ang iyong sarili. Alin ba ang masusunod, puso o ang isip? Pwede namang pareho itong gamitin sa pagpapasya sa pagpili ng taong iyong mamahalin. Kung sino ang talagang matimbang sa iyo, iyon ang piliin mo dahil iyon ang katotohanang dapat manaig.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Bagama’t ikaw ay isang taong palabiro, seryoso ka naman pagdating sa paghawak o pag-handle ng business deals. Sa pakikipagnegosasyon, magsuot ka ng kulay puti at kulay maroon. Dahil ang mga kulay na ito ang umaakit ng good vibes upang mapapayag mo ang isang tao. Makabubuting i-set ang deal bago ang lunch o isang oras matapos ito, dahil nasa good mood ang taong makakausap mo at mapapayag mo ito sa iyong proposal.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Pag-aralan at pakiramdaman mong mabuti ang iyong sarili. Baka sa sobrang abala mo ay may nakakalimutan ka na. Nakaka-amnesia ang sobrang trabaho at pagkakaroon ng pera. Nakawiwili. Alalahanin mo ang mga kaanak at kaibigan mong umaasa sa iyong tulong. Dahil hindi ka nagsusumikap para lamang sa iyong sarili. Kundi, para rin sa iba at mas makabubuti ito sa iyo at mas magiging maligaya ka dahil nakakatulong ka. Mapapansin mo na lang na sunod-sunod ang pagpasok ng grasya.