HOROSCOPE SEPTEMBER 5, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 5, 2022

September 5, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Matuto ka na dapat sa iyong naranasan. Kaya, kung may perang malaki kang nasa sa iyo o hinahawakan mo, maiging manahimik na lang. Kaysa sa alam ng iba. Nariyan lang sila sa iyo dahil may pera ka. Pero, kung wala, ni ho, ni ha ay wala. Sadyang ganyan ang buhay. Kaya gayun ang gawin mo dahil may perang paparating sa iyo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Iwasang mangako o magsabi ng oo sa isang imbitasyon na alam mo sa sarili mo na hindi mo naman madadaluhan. Pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng resistensiya at katawan dahil masasabak ka sa maraming aktibidad at task, na pera naman ang kapalit nito. Kaya, matatagtag ka sa ilang gawain pero okay lang dahil ma-laking biyaya naman ang papasok sa iyo.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwanan mo muna ang walang kapararakang mga bagay at gawain. Unahin mo ang may kabuluhan at kung saan ka kumikita. Hindi rin masama ang tumanggi sa isang taong humihingi ng tulong kung hindi mo naman kayang tumulong. Maigi na yung nagsasabi ka ng totoo kaysa sa makompromiso ka at masira sa kausap mo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Mabubunutan ka ng tinik dahil sunod-sunod na solusyon sa iyong suliranin ang darating. Dumating man ang isa o dalawa, maya-maya o kinabukasan ay meron nang remedyo. Kaya, huwag istresin ang sarili masyado. Ito ang elixir mo kung bakit nananatili kang mukhang bata at malakas sa kabila na may edad ka na rito sa mundo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag kang magpakapagod sa isang gawain na wala namang patutunguhan. Doon ka sa gawaing kahit ayaw mo ay may kabuluhan naman gaya ng pagkakakitaan. Mula sa mga lumang bagay kapag naayos, pwede mo itong pagkakitaan. Pasukan ngayon kaya pwede mong gawing service sa iskul ang nakagarahe mong L300.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang pag-ibig ay parang sipon. Kusang nararamdaman, kusa at agad ding umaalis. Ganyan siya sa iyo ngayon. Pero, sa mga susunod na araw ay waley na, kaya, huwag mapo-fall sa kanya dahil baka ikaw rin ang masaktan sa huli. Hayaan mong siya ang mahulog sa iyo at bahala na siya sa buhay niya.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Huwag mong iiyakan ang isang taong wala na. Magsaya ka at mag move-on. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa pagdurusa na sobra na, tama na! Kaya, para kang tumanda ng 10 taon. Umayos ka at marami na ang naghihintay sa dati mong ikaw. Makatatanggap ka rin ng good news sa araw na ito, kaya easy ka lang.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Malaki ang kasiyahang mangyayari sa tulong ng marami mong kaibigan. Gayunman, timbangin ang gagastusin dahil baka kapusin ka sa susunod na mga araw. Hayaan mong magpabida ang iba sa pagsagot sa handa. Alalay ka lang. ‘Di baling ikaw ang talo sa ambagan basta meron kang matitira para sa kinabukasan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag kang patatangay sa iyong problema. Umarte lamang ng naaayonsa iyong nararanasan. Huwag masyadong overacting at baka magkatotoo ang iyong reaksyon. Alalahanin mong bahagi ng buhay ang problema at agad naman masusulosyunan ang sa iyo.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Bakit ba inilalagay mo sa isip mo na pera lang ang sukatan ng tagumpay sa mundong ito? Magising ka. Totoong mahalaga ang pera. Pero, mahalaga rin ang kalusugan at panatag na buhay. Huwag mong gayahin ang iba na gayun ang pamantayan. Kung hikahos ka man sa pera, asahan mong lalapit ito sa iyo kaakibat ng isang hakbang.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Huwag kang magulat kung isang araw ay kayo na. Magbubunga kasing positibo ang pagiging masipag at pagtitiyaga at pangungulit mo sa kanya. Sasagutin ka niya dahil na-fall na rin siya. Ihanda ang iyong sarili dahil sa oras na mangyari iyon, tiyak mapapagastos ka, kasi bonggang date ‘yan. Ano, payag ka ba?

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Kagaya ng saranggolang matayog ang lipad ang pangarap mo. Kaso, timbangin mo rin at baka mahirapan kang magkaroon ito ng katuparan. Pero, walang imposible sa isang taong determinado. Ipakita mo sa kanila na kaya mo at hindi nasisiraan ng loob. Isang dating kaibigan ang magbibigay sa iyo ng regalo.