HOROSCOPE SEPTEMBER 6, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 6, 2022

September 6, 2022 @ 7:04 AM 3 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Sadyang sa larangan ng sugal o laro ay may natatalo at ikaw β€˜yun. Tanggapin mo ito ng maluwag sa loob ngayon at mananalo ka naman sa susunod. May paparating naman agad na bagong pag-ibig sa susunod na buwan. Kaya, huwag kanang magmumukmok at bitter d’yan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Pilitin at sikaping labanan ang pagsubok sa linggong ito. Panandalian lang naman ito kaya malalagpasan mo. Pagkatapos nito, magugulat ka sa isang paparating na malaking pera. Kaya, magiging madali sa iyo ang pagdadalang buhay sa araw-araw dahil na rin sa iyong pagsisikap sa nagdaang mga panahon.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Magiging suwerte ka rin sa linggong ito lalo na sa papasok na Ber months. Makababalik ka na sa iyong trabaho na nasa kondisyon. Para sa iyo ang susunod na buwan at magiging stable ka sa pananalapi. Mag-aabot-abot ang mga naipon at bunga ng iyong pinagpaguran sa nakaraang taon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Magiging masigla at masaya ka sa araw na ito dahil sa mga dadaluhang aktibidad. Hindi mawawalan ng nagmamahal o minamahal dahil sa likas mong kabaitan at husay sa pakikisama. Kahit anong trabaho mo ay garantisadong magbibigay sa iyo ng magandang pakinabang.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Tatalakayin sa araw na ito ang isang bago at nakakaganyak na oportunidad. Makapupulot ng magandang ideya tungkol sa tamang hakbang na dapat mong gawin at simula ng ipatupad. Magiging masaya ka rin dahil sa positibong resulta ng ikinasang aktibidad sa nagdaang araw.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Hindi problema ang pag-ibig. Ang mismong problema magkaminsan ay nasa tao, sa umiibig at sa kung ano ang pagkakaunawa nila rito, kasama ka na run. Mainam na tiyakin muna ng mabuti sa sarili bago makipagrelasyon. May tamang panahon para sa kaligayahan ng puso’t damdamin. Ang pag-aaral at trabaho muna ang pagtuunan ng pansin.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ito ang panahon na makabubuti sa iyo ang pagkukunwaring nararamdaman kaysa sa pagsasabing totoo. Lalo na sa problemang isang kaibigan. Na kahit malalaang problema at sabihin mong magaan lang para lumakas ang kanyang loob at mabigyan mo siya ng lakas na harapin iyon. Magbubunga iyon ng mabuti at makasusumpong kang biyaya sa kanyang paningin.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Makakakilala ka ng isang bagong tao na may interes sa iyo. Malaki ang magiging papel niya sa mga ilang pagbabago sa buhay mo. Maging banayad din at huwag magmadali sa iyong ginagawa. Sa gayun ay maging pulido ito at siguradong maganda at tama. Magiging makulay naman sa magsing-irog ang linggong ito.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Magiging makulay ang iyong pagpaplano sa linggong ito at magiging matagumpay. Magagamit mo rin ang iyong karisma para mapasagot ang iyong nililigawan. Gayunman, iwasang mapikon sa biro ng iyong mga kasamahan sa trabaho. Biro lang yun at di dapat seryosohin.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Ipakita mo ngayon ang iyong husay at galing sa trabaho. Magbubunga ito ng maganda na ikagugulat mo. Mahalaga rin ang pagdalo sa pam-pamilya ng kasiyahan sa linggong ito upang maging masaya. Makatatanggap ka rin ng good news mula sa isang kakilala at kaanak.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Makabubuting ipagpaliban mo muna ang malayong biyahe para sa isang transakyon. Hindi kasi ito uubra dahil baka pagdating mo run ay saka sasabihin ng kausap mo na hindi pala matutuloy. Hayaan mong siyaang mag-set ng usapan n’yo. Ang iyong pagiging mainipin sa isang bagay na nais makuha ay magkakaroon na rin ng katuparan.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” May isang tao na may lihim na sama ng loob sa iyo dahil nakalimutan mo na siya. Magbalik-tanaw sa magagandang bagay na nagawa niya sa iyo noong panahong gipit ka. Kumusta at pagbati lang ay sapat na sa kanya. Sa gayun ay magkaroon muli siya ng pagkakataon na ikaw ay tulungan ng walang hinihinging kapalit.