HOROSCOPE SEPTEMBER 7, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 7, 2022

September 7, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Matagal na kayong may gap ng iyong beshy. Tutal, ikaw ang mas nakakaintindi, ikaw ang unang lumapit at mag-approach sa kanya. Kasi siya, isip-bata. Sa gayun ay muli kayong magkasundo dahil ikaw ang rason kung bakit siya nagtampo. Tinatawag mo kasi siyang yobabs, e nalaman niya, yari ka. From now on, chubby-ganda na lang ang itawag mo para ‘di halata.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Masosorpresa ka sa ilang pangyayari sa linggong ito. Kaya, huwag kang paaapekto sa mga negatibong naririnig porke wala kang pera. Pero, kapag nagkaroon ka na, tahimik ka lang para wala kang hasel na mararanasan. Iwas pa sa mga taong mahilig mangutang pero hindi nagbabayad.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Panahon na upang magdagdag ka ng mga bagong kaibigan. Mga taong nais kang maging kabatak at makilala nang husto. Luma na kasi mga kaibigan mo at nauumay ka na sa kanila. Ibig sabihin, kailangan mo nang buksan ang oportunidad na magkaroon din ang iba na maging bahagi ng buhay mo. Sa ganitong paraan, mas magiging maimpluwensya ka at magiging popular sa inyo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Higit kang makikilala sa iyong husay at talino. Kaya, iwasan ding magbigay ng opinyon sa hindi gaanong kilalang tao. Dahil sasamantalahin nila ang iyong husay at kabaitan. Magiging masaya rin dahil sa produktibong gawain sa linggong ito.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kapag nagtiwala ka sa isang tao, ibuhos mo kung hindi mo pa nasusubukan kung anong uri siyang kausap na tao. Bigyan mo sila ng pagkakataong gawin ang sang-ayon sa iyong utos o hinihinging pabor. Sa bandang huli, ikaw rin ang makikinabang at gagantimpalaan dahil sa paglikha ng mga taong may mga isang salita at tinutupad ang kanilang ipinangako.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Magiging abala ka sa maraming bagay sa linggong ito. Gayundin sa pampersonal at trabahong gawain. Haharapin mo ang maraming gawain na may kinalaman sa mga mahahalagang ari-arian. Makatatanggap ka ng komisyon at porsyento dahil dito.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Makakatuklas ka ng isang bagay na ikasasama ng iyong loob. Subalit, makabubuti naman sa iyong ginagawa. May dadaluhang isang meeting na kung saa ay kailangan ang iyong opinyon. Kaya, makakalimutan mo ang kapiranggot na sama ng loob. May makikilala ka rin doon na makatutulong sa iyong bagong proyekto.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Relaks ka lang sa araw na ito. Huwag kang magmumukmok sa isang sulok dahil lamang sa hindi mo makuha ang gusto mo sa nagdaang araw. Tanggapin mo ang pagkakamali ng iba dahil sa kasabihang give credits to others and take the blame. Mapatutunayan mo na ikaw ay isang mabuting lider at ikaw ay gagantimpalaan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Iwasan mong magtampo sa isang matalik na kaibigan dahil sa hindi mo nakuha ang hinihinging pabor o utang sa iba. Iyan ay isang batang pag-uugali. Kay meron o wala silang ipapahiram sa iyo, karapatan nila iyon. Kapag ikaw naman ang meron, karapatan mo ring tumanggi sapagkat tinanggihan ka rin nila.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ang pakikinig sa suhestiyon at payong iba ay nagpapakita na ikaw ay matalinong tao. Sa gayun ay magagawa mong maayos at tama ang iyong proyekto. Bukod dito, kailangan mo ring tumanggap ng constructive criticism upang lalo mo pang mapagbuti ang iyong mga gawain. Ikaw din ang makikinabang ng lahat ng ito at magtatamo ng pagpapala.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Nililigawan mo pa lang siya. Kaya, hindi mo dapat ipilit sa kanya kung ano ang ayaw niya. Sa gayun ay hindi ka niya aawayin at hindi siya maiinis sa iyo. Kung ayaw niyang manood ng sine o manood ng Netflix sa bahay nila, huwag mo. Kinikilatis pa lang niya kasi ang ugali mo. Kapag tiwala na siya sa iyo, baka siya pa ang magyaya sa iyo na mamasyal at kumain sa labas. Kaya, behave ka lang, okay!

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Sa gitna ng maraming trabaho at pasundot-sundot na pagsubok, kailangan mo ring magrelaks. Kapag day-off, gawin mo ito. Mamasyal at kumain sa labas kasama ang mga kaibigan at kamag-anak. Sa ganitong paraan ay makakalimutan mo ang iyong problema at labis na lungkot sa pagkawala ng iyong pet.