HOROSCOPE SEPTEMBER 8, 2021

HOROSCOPE SEPTEMBER 8, 2021

September 8, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Makabubuti ang maging mahinahon sa linggong ito. Hindi kasi magdudulot ng mabuti ang pagiging nagger o hot tempered sa iyo dahil sa stress ka. Gayunman, may mga inihahandang sorpresa sa iyo ang mga kaibigan sa nalalapit mong kaarawan.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) May mahalagang lakad na dapat huwag palampasin sa susunod na araw. Ito ang perfect timing upang magtagumpay ka. Na ang oportunidad na matagal mo nang gustong makuha at makakamit mo na.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwasan ang magbigay ng opinyon sa ibang tao dahil gagamitin lang nila ito. Lalo pa’t hindi naman marunong magpasalamat at kumilala ng credit. Kunwari ay balewala sa kanila ang saloobin mo. Pero, ang totoo, nakalulugod iyon sa kanila.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) May mga bayarin kang nakaligtaan o hindi naasikaso na dapat ayusin. Pero, huwag mabahala. Kailangan lang na kumayod ng triple. Kasi, madali namang lumalapit sa iyo ang pera.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  Huwag agad sasang-ayon sa isang bagay na hindi mo naman pinag-aralan. May mga bagay kang dapat ikonsulta sa isang nakaaalam. Ang paglalakbay o pagpunta sa ibang lugar ay mainam para sa ikabubuhay.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag ka munang padalos-dalos pagdating sa love, beshy. Baka infatuation lang kasi ang nararamdaman mo. Baka hindi love. Relaks ka lang. Kusang darating ang love sa iyo dahil charming ka naman. Ibibigay ng tadhana ang nararapat para sa iyo.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Ang isang pagkakamali ay pwedeng pagsisihan ng mahabang panahon. Kaya, mag-iingat sa mga gagawing desisyon. May pupuntahang kasiyahan na magpapataas ng iyong profile o ng katauhan.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Iwasan ang gumawa ng isang pangako sa kaibigan o sa kamag-anak kung alam mo sa sarili mo na hindi mo ito matutupad. Mas mainam na ang tumanggi kaysa mangako. Mapananatili mo pa ang imahe mo na mayroong isang salita.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Makikilala ang isang mahal sa buhay na may dalang sorpresa. Ang malakihang projects ay maitutuloy sa tulong ng isang malapit na kaibigan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dalawang chances ang ikalilito mo sa mga susunod na araw. Kasi, parehong nagustuhan ng kliyente mo ang iyong presentation. Kaya, kukunin ka nila. Pero mamimili ka kung saang firm ka papasok.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Huwag agad maniniwala sa isang bagong kakilala nang ‘di maloko sa aspektong pananalapi. Marami ang gipit ngayon at kumakapit sa patalim, kasehodang manloko, magkapera lang. Pero, isang bagong kakilala naman ang magiging bagong kaibigan na handang tumulong sa iyong proyekto.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi muna papabor sa iyo ang lovelife sa susunod na 7 araw. Wala ka kasi sa mood para kiligin. Isa pa, masyado kang tahimik at madaling mapi-kon. After nu’n, mababago ito ng isang lalaking tsinito na magiging bago mong inspirasyon.


  •  
  •  
  •