HOROSCOPE SEPTEMBER 8, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 8, 2022

September 8, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Isang magandang pangyayari ang magaganap sa nalalapit mong kaarawan. Na magdudulot sa ito ng labis na kagalakan. Ang pagiging mabusisi mo sa ilang bagay ay makatutulong upang maging pulido ang iyong ginagawa. Mainam ring manahimik kung may nakikita kang mali sa loob ng opisina. Lalo na kung hindi ka naman apektado ng mga tsismis doon.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kahit na kinakapos ka ay okay ka lang. Hindi ka rin makaiiwas sa isang kakilala o kaibigan na hingan ng pabor o ika’y uutangan. Huwag tumanggi. Bigyan mo na lang kaysa sa pautangin ayon sa abot ng iyong makakaya. Pagkatapos nun, agad namang darating ang biyaya sa araw na ito.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Matutong mag-research dahil nahuhuli ka sa isang bagay na ikaw dapat ang unang makaaalam. Maganda ang maidudulot sa iyo ng isang bakasyon na hindi naman kalayuan sa siyudad. Bukod sa kikita ka na, mag-e-enjoy ka pa. Paghandaan mo ang isang proyektong ipagkakatiwala sa iyo. Sa gayun ay maisagawa mo ito ng mas maganda pa.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — May paparating sa iyong malaking salapi. Gayunman, huwag magmadaling bumili ng ng mga bagay na hindi naman kailangan. Bayaran mo muna ang mga nakabinbing bayarin sa buwanang kunsumo ng kuryente at tubig. Isang paanyaya ang iyong matatanggap sa isang kasalan. Huwag tumanggi dahil makatatanggap ka ng biyaya mula sa mga kaanak.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —Ang madalas nyong hindi pagkikita ng iyong kasintahan ay magdudulot ng panlalamig sa isa’t isa. Ikaw ang unang gumawa ng hakbang upang mapanatili ang liyab ng apoy ng inyong pagmamahalan. Ipagmalaki mo ang iyong mahal sa iyong mga kakilala at kaibigan upang malaman niya ikinagagalak mo siya.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi sinasadyang makakasakit ka ng damdamin ng isang kaibigan sa pamamagitan ng isang biro. Kung nakita mong wala na siyang imik, tumigil ka na. Pero, sa kabila na tumigil ka na at nagmamalabis siya sa kanyang reaksyon, iyan ay isa nang kahangalan. Wala ka nang pananagutan doon at siya na ang may deperensya. Layuan mo ang ganitong mga kaibigan dahil masisira lang ang araw mo sa kanila.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Lihim na nagtatampo sa iyo ang iyong mahal. Kaya, gagawa siya ng paraan upang pagdusahin ang iyong puso’t damdamin sa maikling panahon. Gumawa ka rin naman ng may karunungan at unawain siya tungkol sa mga bagay na ito. Huwag kang paapekto sa kanyang pamamarkulyo dahil alam mo naman ang mga mangyayari pa. Sa bandang huli, siya rin ang magiging magiliw at lalambing sa iyo.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Lagi kang ngumiti at iwasang sumimangot. Sa gayun ay maging malapit ka sa suwerte. Ito rin ang magiging daan para makilala ang isang bagong pag-ibig. Iwasang magpagabi nang husto sa labas ng inyong tahanan upang ‘di pumasok dito ang bad vibes.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Pag-aralan mong mabuti ang iyong mga binabalak. Haharap ka ngayon sa isang bagong trabaho o gawaing hindi mo pa pamilyar. Gayunman, i-enjoy mo lamang ito dahil lalabas at lalabas ang iyong husay. May biyaheng gagawin upang ayusin ang ilang bagay tungkol sa iyong plano.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung wala kang gagawin ngayon sa labas, mainam na ayusin mo ang iyong personal na kagamitan. Dito ay may matutuklasan kang isang bagay na magpapanariwa ng isang magandang alaala. Magiging dahilan ito upang iorganisa mo ang isang reunion na magbibigay sa iyong mga kaibigan ng saya.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Kahit mahal mo pa siya, iwasan mo siya. Lalo ka lang kasing hindi makakapag-move-on kapag ganun. Huwag mong hayaang lamunin ka ng iyong nakaraan. Harapin mo ang kasalukuyan upang maging masaya. Hindi siya ang para sa iyo at mas makabubuti sa iyo ang humanap ng bagong pag-ibig.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Maging tapat ka sa iyong sasabihin sa iyong mga kasamahan sa trabaho. Sa gayun ay maging maayos ang inyong gagawing proyekto’t masolusyunan ang bumabangong problema. Iwasan mo munang magbiyahe ng malalayo sa linggong ito. Isang mensahe ang iyong matatanggap na magbibigay ng mabis na galak.