HOROSCOPE SEPTEMBER 9, 2021

HOROSCOPE SEPTEMBER 9, 2021

September 9, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Kapag nagpautang ka, asahan mo na hindi ito isandaang beses na babalik. Bukal sa loob mo itong ibigay. Sa gayun ay ‘di sumama ang loob mo. Kapag ganito, ikaw naman ang makikinabang dahil ikaw naman ang pauutangin nang walang hinihinging kapalit.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Mapapagod ang iyong isip sa mga ideyang pumapasok sa iyo na gusto mo agad na gawin. Dahan-dahan lang sa pag-aasikaso ng mga tatapusing papeles. Sa gayun ay ‘di ka ngarag.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Makabubuting ibigay mo na ang mga bagay na hindi mo kailangan. Tutal may bago ka namang gamit. Kapag ganito, gagantihan ng taong pagbibigyan mo ng ibang serbisyo ang iyong pagiging mapagbigay.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Tatanaw ng utang na loob ang mga taong natulungan mo noong nasa itaas ka. Ngayong nasa ibaba ka naman, sila naman ang tutulong sa iyo.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Gaya ng ulan, masalimuot ang buhay mo ngayon. Pero, malalampasan mo iyan. At kapag dumating na ang sandaling iyon, ikaw naman ang pararangalan sa harap ng ibang tao.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang iyong pagiging malikhain ang maghahatid sa iyo ng pera. Kung lilinangin ito at iaalok sa iba, magtatagumpay ka. Nabibigyan mo pa sila ng kaaliwan dahil sa iyong kakaibang gimik pagdating sa pag-aayos ng mga sira at lumang bagay.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Dapat na bigyan mo ng panahon ang iyong mahal para mawala ang kanyang pagtatampo. Nawawalan ka na kasi ng oras sa kanya. Inaasahan niya na ipagdiriwang ninyo ang inyong anibersaryo. Kaya, ikansela muna ang appointments para maipagdiwang ito.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag ipilit ang mga bagay na hindi mo gusto. Hindi ka dapat pinipilit ng iyong kaanak na suungin ang isang proyekto na ayaw mo. Makabubuting sundin mo ang gusto mo dahil iyon ang katotohanang magpapalaya sa iyo.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag sumabak sa isang bagay o gusot nang hindi mo kaya. Sa gayun ay ‘di ka maipit sa sitwasyon. Isang magandang balita ang matatanggap sa kaibigan sa linggong ito.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Matutupad ang iyong nais na magkaroon ng salapi sa linggong ito. Tipirin din ang pera at huwag gumastos ng lagpas sa budget. Matipid ka naman at ‘di maluho kaya may madudukot ka sa oras ng pangangailangan.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Huwag umasa sa isang malabong kasunduan nang ‘di ka masaktan sa bandang huli. Ipagpaliban din ang isang biyahe sa linggong ito dahil masasayang lang ang panahon mo.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ikaw ang taong kahit may problema ay hindi sinasabi sa ibang. Sinasarili mo lang. Kasi, hangga’t kaya mo naman, makararaos ka. Ngunit, isang tao ang magbibigay sa iyo ng puhunan na magagamit mo sa sinisimulang negosyo.


  •  
  •  
  •