HOROSCOPE SEPTEMBER 9, 2022

HOROSCOPE SEPTEMBER 9, 2022

September 9, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” May mga bagong bagay kang matutuklasan sa iyong sarili at sa mga kasamahan mo sa trabaho. Makatutulong ang positibong pagbabagong ito upang makuha ninyo ang ice break na ikagagalak ng inyong kompanya. Gawin at ipamalas ito at pangunahan mo at magtatagumpay ka at ang iyong mga kasama.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Isang magandang pagkakataon na ipamalas mo ang iyong itinatagong husay at mga talento. Pero, manatiling tahimik at humble lang upang ‘di lumabas na isa kang taong hambog. Magiging daan ito upang ipagkatiwala sa iyo ang isang proyekto na may kinalaman sa arts and entertainment.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” May dalang excitement sa iyo ang pagdating ng isang kaibigan. Hatid kasi nito ang isang magandang balita para sa matagal mo nang nilalatag na proyekto. Hindi ka rin makatatangi sa isang imbitasyon ng isang dating manliligaw. Wala namang masama dahil may kinalaman sa negosyo ang ikinasa nitong meeting.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Mas marami sa gusto mo ang papabor at mangyayari ngayon. Hindi man maging sapat ang salapi ngayong araw, may darating na biglaang biyaya na labis mong ikasisiya. Iwasan din ang labis na pagpapakapagod sa pagdalaw sa mga kaibigan upang tapusin ang inyong proyekto.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Magandang pagtuunan ng pansin ang tungkol sa gagawing musika ninyong magkakaibigan. Gamitin nyo ang angking galing at husay sa pagtugtog ng instrument at paglikha ng mga awitin. May mararating ang akala nyong paglilibang na ito.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Maging maingat ka sa pag-ako sa nga responsibilidad. Maaaring ang kaya mong gawin noon ay hindi mo na gaanong magagawa ngayon. Kaya, kung ‘di ka sigurado, makabubuting tanggihan ito upang hindi ka mapahiya sa karamihan. Isang sikreto ang iyong matutuklasan na iyong ikagagalak.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” May lungkot kang mararamdaman ngayon dahil sa ilang naala-alang masasayang nakaraan. Natural lang ito dahil nami-miss mo ang iyong dating mga kaklase at kaibigan noong high school at college ka. Ito ang takdang panahon upang itakda ang isang pagtitipon. Magbubunga ito ng maganda para sa mas malaki pang proyekto.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Isang magandang sorpresa ang iyong matatanggap mula sa taong lihim na nagmamahal. Asahan din ang pagdating ng magandang balita mula sa malayong lugar mula sa isang kaibigan na bahagya nang nakauusap.Huwag ka ring paapekto sa negatibong komento na iyong maririnig.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Huwag maging sobrang maselan sa ilang maliliit na suliranin. Hindi rin ito ang tamang panahon upang magpabago-bago ka ng pag-iisip ukol sa iyong trabaho. Ingatan ang salaping hawak-hawak mo at iwasan mo munang magpautang dahil hindi ka makaiipon niyan kapag ganyan.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Mainam ang araw ngayon upang umpisahan mo ang isang bagong proyekto. Gayunman, iwasan ang sobrang pagbibigay ng ideya sa iyong mga kasama. Dahil sila ay maibigin sa kapurihan kapag nagtagumpay ang isang proyekto na ikaw rin ang labis na nagsikap na tumapos.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Β Mahalagang nalalaman mo ang nangyayari sa iyong circle of friends. Na baka sila ay nangungulila na sa iyong madalas na hindi pagsama sa mga usapan at lakad nila. Bigyan mo sila ng panahon kahit kaunti at makipagtalastasan sa kanila. Sa gayun ay hindi nila isipin na kung kailan may hawak ka nang pera mula sa kanila ay isipin nilang kamig ka lang pala.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Sa inyong pansamantalang paghihiwalay ng iyong kasuyo, may mga mahahalagang bagay siyang matutunan na magpapagising sa kanyang ‘di pa matured na kamalayan. Mare-realized niyang siya ay sanggol pa pala sa pakikisama at pang-unawa ‘di gaya mo. Sa bandang huli, siya na ang kusang susuyo sa iyo dahil ayaw niyang tuluyan manlamig pa ang pag-ibig mo.