Hospital admission sa Pinas bumulusok na rin – DOH

Hospital admission sa Pinas bumulusok na rin – DOH

February 24, 2022 @ 9:44 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Naobserbahan ng Department of Health (DOH) ang pagbaba sa mga admission sa ospital na maaaring maiugnay sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nakaraang linggo.

Sinabi ng DOH na ang intensive care unit (ICU) utilization rate sa buong bansa ay 30 porsiyento noong Pebrero 22 na mas mababa sa 51 porsiyento noong Enero 22.

Sa ngayon, 29 porsiyento ng 3,800 ICU bed, 25 porsiyento ng 20,500 isolation bed, 18 porsiyento ng 13,900 ward bed, at 16 porsiyento ng 3,000 ventilator ang ginagamit ng mga pasyenteng may Covid-19 sa buong bansa.

Sa National Capital Region, 25 percent ng 1,300 ICU beds, 24 percent ng 4,600 isolation beds, 25 percent ng 3,600 ward beds, at 17 percent ng 1,000 ventilators na nakalaan sa pasyente na may Covid-19 ang ginagamit.

Ang delay ng pagsusumite umano ng ulat ng ilang laboratoryo ay hindi gaanong nakakaapekto sa bilang ng mga bagong kaso na iniuulat araw-araw

“Currently, while antigen test results are not yet included in our topline numbers, LGUs are required to submit their line list which is then cleared and analyzed along with RT-PCR results received from laboratories,” ayon sa DOH

Ipinag-uutos ng DOH Department Memorandum No. 2022-0033 ang pag-uulat ng mga resulta ng self-administered antigen test na naaayon sa mga kaugnay na probisyon ng Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, at Republic Act. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012, at l VH ng Administrative Order No. 2021-0043

Nilinaw naman ng DOH na ang resulta ng genome sequencing ay hindi sukatan para ideklara na ang Omicron variant ay isa nang endemic sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden