Hospital admissions sa NCR sa gitna ng COVID dumarami- DOH

Hospital admissions sa NCR sa gitna ng COVID dumarami- DOH

January 18, 2022 @ 5:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Napansin ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang pagtaas sa bilang ng mga dinadala sa mga ospital sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases.

“Meron po tayong pagtaas sa mga na-admit sa ating mga ospital, partikular na po sa National Capital Region,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing.

Sa kasalukuyan, nasa moderate risk ang bed utilization rate sa NCR na pumalo sa 60 porsyento habang nasa 58 porsyento naman ang ICU utilization rate.

“Meron po tayong tinatawag na DOH One Hospital Command Center at nariyan po sila upang tumulong mag refer, mag navigate ng ating mga pasyente sa iba’t ibang ospital kung puno na po ang kanilang ospital na napuntahan,” ani Vergeire.

“Amin pong pinapaalala na maaring manatili muna sa bahay ang mga mild cases. Malaking tulong po ang pag ho-home isolate o quarantine para makatulong mabawasan ang load sa ating mga healthcare workers and even our facilities,” patuloy pa niya.

Nananawagan naman ang DOH sa local government units na magtalaga ng telemedicine services, maghanda ng isolation facilities, at bantayan ang mga naiuulat na kaso ng virus. RNT/SA