Hospital utilization rate sa E. Visayas ‘high risk’ na- OHCC

Hospital utilization rate sa E. Visayas ‘high risk’ na- OHCC

January 21, 2022 @ 2:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nasa “high risk” na ang hospital utilization rate sa Eastern Visayas sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) surgesa bansa, ayon sa One Hospital Command Center (OHCC) nitong Biyernes.

“In terms sa hospital care utilization rate natin, may nakita tayong pagtaas sa ibang regions. Meron na tayong nasa high risk ngayon which is ‘yung Region 8 (Eastern Visayas),” pahayag ni OHCC Medical Officer Dr. Marylaine Padlan sa Laging Handa press briefing.

“And then ‘yung mga moderate risk natin medyo madami po ngayon,” patuloy ni Padlan.

Giit pa ni Padlan, mahirap umanong masabi kung kailan bababa ang bilang ng mga kaso ng virus sa bansa.

Gayundin, apektado ang operasyon sa ilang ospital sa Western Visayas.

Nakatatanggap ang OHCC ng mahigit 1,120 tawag kada araw.

Ani Health Undersecretary Leopoldo Vega, 60 porsyento sa mga tawag na ito ay mula sa mga indibidwal na nagpapatulong sa paghahanap ng isolation facilities at assistance sa home isolation habang 15 porsyento naman ay referrals para sa mga ospital at intensive care unit services. RNT/SA