Hospitalization rate nananatiling mataas – DOH

Hospitalization rate nananatiling mataas – DOH

January 25, 2022 @ 7:19 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Mataas pa rin ang hospitalization rate sa ating bansa bagamat unti-unti nang bumababa ang bilaang ng kaso sa NCR at NCR plus areas.

Gayunpaman, sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na dahil sa mataas na vaccination rate at mga epektibong protocols, karamihan sa mga kaso ay nanatiling asymptomatic ,mild  at moderate.

Patuloy aniya ang pagtaas ng kaso, positivity rate at utilization rates sa mga lugar sa labas ng NCR Plus dahil sa Omicron at Delta variant.

Sa kabila nito, nakatulong naman naman sa health system ang mataas na vaccination rates, pagsunod sa MPHS, proactive isolation at mobility restrictions  sa pamamagitan ng granular lockdown at Alert Level System .

Patuloy naman ang DOH sa pagpapabuti ng kapasidad sa lahat ng lugar ng healthcare system para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Para sa testing, sinabi ni Vergeire na nagtatag na ng sub laboratories  sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at nakapag-apruba na rin ng self-administered  test kits .

Sinisigurado rin ng Kagawaran sa tulong ng local government at private sectors  ang mas madaling access ng publiko sa bakuna gayundin ang sapat na suplay ng bakuna sa ating bansa.

Patuloy rin ang pagbili ng gamot para sa mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)