Hot logs sa Isabela nakulimbat

Hot logs sa Isabela nakulimbat

July 26, 2022 @ 3:03 PM 3 weeks ago


ILAGAN CITY, ISABELA-Nasabat ng mga otoridad ang iligal na pinutol na kahoy o ‘hot logs’ na pinapaanod sa Abuan River sa babagi ng Cabisera 10 dito sa nasabing lungsod.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Julio R.Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, isang konsernadong mamamayan ang nagpaabot ng impormasyon sa mga otoridad kaugnay sa nangyayaring water logging activities.

Dahil dito agad nagsagawa ng anti-illegal logging operation ang mga kasapi ng 201st Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion at Community Enviroment and Natural Resources Office o CENRO Naguliian.

Narekober ang 18 piraso ng common hardwood round logs partikular na ang Red Lauan at Tanguile habang wala namang nakita na may-ari sa mga ito.

Pansamantala nasa pangangalaga na ng CENRO Naguilian ang mga narekober na hot logs na patuloy na iniimbestigahan kung sino ang nasa likod sa naturang illegal logging activities. Rey Velasco