Hotels tututukan sa pagtanggap ng bisitang ‘di dumaan sa quarantine protocols

Hotels tututukan sa pagtanggap ng bisitang ‘di dumaan sa quarantine protocols

December 31, 2021 @ 8:27 AM 7 months ago


Manila, Philippines — Binubusisi na ng Department of Tourism (DOT) ang iba pang hotel na pumapayag na hindi mag-quarantine ang kanilang mga guest, ayon kay Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Kwento ni Puyat, marami na silang naririnig na kwento ng modus operandi kung saan nagbabayad lamang ang isang indibidwal.

Dito ay sasailalim sila sa swab testing sa kanilang ikalimang araw kahit hindi naka-check in.

Sa ngayon aniya ay may dalawang hindi kalakihang hotel ang nagsasagawa nito.

“There are two as of now. They’re not big hotels. But it doesn’t matter whether they are big or small.”

“We have to verify… catch them in the act. But the majority [of hotels] follow. [T]here are just a few bad eggs,” saad pa ni Puyat sa INQUIRER.net.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy pang bineberipika ang mga report na kanilang natatanggap at nakipag-ugnayan na sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).

“Right now…many have been reporting to us. So we are all verifying. They are giving us the names of the hotels…We are working with the DILG and the PNP so we can catch them. But they need to be caught in the act.” RNT/FGDC