House arrest para kay De Lima ihihirit ng kanyang abogado

House arrest para kay De Lima ihihirit ng kanyang abogado

October 10, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Posibleng hilingin sa korte ng mga abogado ni dating Senador Leila de Lima  na isailalim na lamang ang senador sa house arrest.

Sinabi ni Atty. Filibon Tacardon na kakausapin nila ngayong araw si De Lima upang talakayin ang mga posibilidad na humiling sa korte na isailalim siya sa house arrest.

Bunsod ito ng pangyayari kahapon kung saan na-hostage ang senador ng isa sa mga preso na nagtangkang tumakas sa custodial facility ng PNP.

Aalamin rin ng legal team ang sinasabi ng Department of Justice at PNP na alok umano nito na extended furlough sa dating senador mula pa noong Hulyo.

Ayon kay Tacardon wala silang alam sa sinasabing extended furlough na inaalok ng pamahalaan.

Samantala, umaasa rin ang kampo ni De Lima na dahil sa pangyayari kahapon au mapagbibigyan na ang kanilang hiling sa Muntinlupa branch 256 na payagan na makapagpiyansa. Teresa Tavares