HOUSE FOR RENT MAY BUSINESS PERMIT BA?

HOUSE FOR RENT MAY BUSINESS PERMIT BA?

May 2, 2022 @ 9:12 PM 2 months ago


BIGYANG-PANSIN naman po natin ang isang sulat sa atin ng isang nangungupahan.

Dear Mr. Juandesabog,

Magandang araw po sa inyo. Sana makarating sa inyo itong aking sumbong ukol sa paupahan na apartment ni Mr. Gerry Gonzaga Jelbolingo ng 29 Boliran St. Brgy. San Isidro, Antipolo, Rizal.

Gusto po lamang naming malaman kung may mayor’s permit, Barangay permit at Department of Trade and Industry permit an nasabing paupahan.

Kasi kapag hindi ka makabayad sa rent ng isang buwan,  papalitan po ng kandado ang pintuan at saka kukunin ang mga gamit ng nangungupahan.

Tama po ba itong ginagawa ni Mr. Gonzaga Jelbolingo sa kanyang paupahan?

Sana, Mr. Juandesabog, maaksyunan naman ng mga kinauukulan ang ginagawang panlalamang nitong nagpapaupang si Mr. Jelbolingo upang hindi siya tularan at mapahinto itong kanyang iligal na paupahan sa kawalan ng mga dokumento na ligal.

Umaasa po kami, Mr. Juandesabog, na mailathala ninyo ito sa inyong espasyo para naman mabigyan ng kaukulang aksyon ng mga kinauukulan ang hindi makataong pagtrato sa mga maliliit na mga nangungupahan.

Maraming salamat po, Sir Juandesabog..

PAANO NA NGA BA SI EDDIE?

Silipin natin itong peryahan na front ng iba’t ibang iligal na pasugalan ni Sonny Atienza sa Pulong Sta. Cruz at Sta. Rosa na  untouchable sa mga pulis.

E ang lagay, papayag ba ang mga pulis-Laguna na basta na lamang mag-operate ng peryahan na sentro ng operasyon ng iligal na pasugalan?

‘Di ba Laguna Police Col.Cecilio R. Ison Jr.? Kernel paano si Eddie, sinong Eddie e ‘di si Ikaw???

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa [email protected]juande­[email protected].