P17.3-M puslit na yosi, nasabat sa Sulu

February 26, 2021 @10:53 AM
Views:
10
ZAMBOANGA CITY – Hindi nakalusot sa mahigpit na pagbabantay ng oepratiba ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa karagatan ng Sulu ang tinangkang iismagel na P17.3 milyong halaga ng mga sigarilyo.
Ayon kay Lt. Senior Grade Chester Ross Cabaltera, NFWM information officer, na naharang ang kargamento, Martes (Pebrero 23) ng hapon sa Karangdato Point, Kalingalan Caluang, Sulu.
Ayon kay Cabaltera na nagsagawa ng operasyon ang Naval Task Group-Sulu matapos ang intelligence report sa ipupuslit na mga sigarilyo.
Dito namataan nila ang isang pangisdang bangka, Princess Arlyn, at siniyasat kung saan tumambad ang mga ismagel na sigarilyo.
May walong crew ang nasabing bangka kung saan nasamsam ang 360 master cases ng hindi dokumentadong samu’t-saring mga sigarilyo.
Ayin pa kay Cabaltera na pinaniniwalaang mula Indonesia ang mga nasabing sigarilyo ay ilulusot sa Cotabato City.
Nakatigil ngayong ang bangka sa headquarter ng Naval Station Romulo Espaldon.
Kulong din ang mga nahuling crew. RNT
8 opisyal ng PCG na-promote

February 26, 2021 @10:29 AM
Views:
7
MANILA, Philippines – Walong mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ang itinaas ng ranggo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa transmittal papers na pinadala ng Office of the President tanggapan ni Transportation Secretary noong Pebrero 15, 2021, kabilang sa inangat sa posisyon bilang mga Commodore ng PCG ay sina:
1) Commodore Luisito S Sibayan – Commander, Coast Guard Coast District Southeastern Mindanao
2) Commodore Roben N De Guzman – Director, National Operations Center for Oil Pollution
3) Commodore Inocencio C Rosario Jr – Commander, Coast Guard District North Eastern Mindanao
4) Commodore Agapito B Bibat – Commander, Coast Guard District Northern Mindanao
5) Commodore Allen J Dalangin – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Intelligence
6) Commodore Ferdinan B Picar – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Operations
7) Commodore Luz L Escarrilla – Commander, Coast Guard Civil Relations Service
8) Commodore Fran F Eden – Commander, Coast Guard Medical Service
Ang walo ay nakatakdang manumpa sa kanilang bagong posisyon sa punong tanggapan ng Coast Guard ngayong araw.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, dalawa sa bagong mga commodore ay babae kabilang sina Commodores Escarilla at Eden na kapwa mga doctors at frontliners.
Si Escarilla ay in charge sa Task Force Quarantine habang si Fran ay head ng Task Force RT PCR na in charge naman sa mga swabbers na dinideploy sa lahat ng ports nationwide, airports para sa mga OFW at mobile teams n a nagsasagawa ng RT PCR sa hotels at quarantine facilities. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mainit at maalinsangang Biyernes mararanasan – PAGASA

February 26, 2021 @10:21 AM
Views:
9
MANILA, Philippines – Makararanas ang Pilipinas ng mainit at maalinsangang Biyernes dahil na rin sa buga ng mainit na hangin o easterlies mula sa Pacific Ocean, ayons a PAGASA.
Maulap na kalangitan ang mamamayani na may isolated rain showers sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa dahil sa localized thunderstorms.
Inaasahan ang 23 to 33 degrees Celsius na temperature sa Kamaynilaan, 15 to 24 degrees Celsius sa Baguio City, 24 to 31 degrees sa Cebu City, at 25 to 32 degrees sain Davao City.
Wala namang inaasahang papasok o mabubuong masamang panahon hanggang sa unang linggo ng Marso. RNT
Anak ni LeBron na si Bronny, nadisgrasya

February 26, 2021 @10:08 AM
Views:
21
UNITED STATES – Inoperahan sa tuhod ang anak ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James na si Bronny matapos magtamo ng torn meniscus sa tuhod habang lumahok sa ensayo.
Naging matagumpay naman umano ang ginawang operasyon para maisa-ayos ang napinsalang tuhod ng batang manlalaro na sinasabing susunod sa yapak ng kanyang amang si LeBron.
Matatandaang sinabi ni Bronny sa kanyang tweeter followers na nagtamo ito ng knee injury at kailangan siyang operahan.
Si Bronny ay sophomore sa Sierra Canyon School na hindi pa naglalaro ng opisyal na laro ngayon season dahil sa COVID-19 pandemic pero may planong lumahok sa spring basketball season.
Hawak ng 6-foot-2 na si Bronny ang averaged na 4.1 points sa 15 minutes kada-laro noong freshman pa lamang ito para sa national power kung saan ay naglaro ito ng 34 games.
Ayon sa ulat, gumagawa si LeBron at ang partner na Maverick Carter ng docuseries sa Sierra Canyon’s 2019-20 season, “Top Class,” na pangungunahan ni Bronny at kanyang teammates. Lalabas ito ngayong linggo sa Amazon.Rico Navarro
P5.9-M equipment sa farm-to-market road project, inabo ng NPA

February 26, 2021 @10:00 AM
Views:
10