House inquiry sa sugar mess tuloy

House inquiry sa sugar mess tuloy

August 17, 2022 @ 9:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at San Jose del Monte Rep Florida Robes na tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Kamara ukol sa iregularidad sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal kahit pa man nagbitiw na ang ilang opisyal ng Sugar Regulatory Administration(SRA).

Ayon kay Robes ang susunud na pagdinig ng kanilang imbestigasyon kasama ang House Committee on Agriculture ay sa August 23.

“Such resignations will not get in the way of the House inquiry. Ang pagpapatuloy ng briefing ay sa kabila ng pagbibitiw nila SRA administrator Hermenegildo Serafica, board member Atty. Roland Beltran at Undersecretary Leocadio Sebastian dahil gusto natin kunin ang kanilang panig sa naturang usapin,” paliwanag ni Robes.

“We are doing this to shed light on the challenges we are facing involving the sugar industry, increasing yield and helping our farmers out,”giit pa ng lady solon.

Sa naganap na pagdinig noong Lunes ay una nang sinabi ni Sebastian na pinirmahan nya ang kontrobersiyal na Sugar Order No 4 dahil sa nauubos nang supply ng asukal.

Agad na nagbitiw sa pwesto si Sebastian dahil binigyan nito ng go signal ang sugar importation nang walang permiso mula kay Pangulong Bongbong Marcos na syang umaaktong kalihim ng DEpartment of Agirculture.

Sumunud na nagbitiw sina Beltran at Serafica. Gail Mendoza