House leaders, DBM chief nagpulong sa economic plan ng BBM admin

House leaders, DBM chief nagpulong sa economic plan ng BBM admin

August 5, 2022 @ 5:03 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakipagpulong ang House Leaders sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez kay Finance Secretary Benjamin Diokno upang talakayin ang Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) ng Marcos administration para sa taong 2022 hanggang 2028.

Ayon kay Romualdez si Diokno ang syang nag-imbita sa kanila para sa nasabing pulong upang matalakay at matiyak ang maayos na koordinasyonsa pagitan ng Executive at Legislative Department.

“We agree on one thing: the MTFF should be a fiscal consolidation and resource mobilization plan. The objective: in the short run, keep the macroeconomy stable and provide adequate social services; in the medium term, generate “more jobs, quality jobs, green jobs,” pahayag ni Romualdez ukol sa naging pulong kung saan kasama nito sina House Majority Leader Mannix Dalipe at ang economic team ng Kamara sa pangunguna nina Deputy Speaker Ralph Recto, Ways and Means Committee Chairman Rep. Joey Salceda at House Appropriations Chairman Zaldy Co.

“Our discussion with Secretary Diokno was a fruitful one, and we hope to conduct future consultations with him in the days to come,” dagdag pa ni Romualdez.

Samantala, inadopt ng Kamara ang House Concurrent Resolution No. 2 na suusuporta sa MTFF na syang magiging gabay ng Kamara sa pagbalangkas ng national budget.

Ayon kay Marikina City Rep. Stella Quimbo ang MTFF ay isang comprehensive document na naglalaman ng comprehensibong policy direction para sa bansa, ito ay para sa immediate at medium-term.

Ani Quimbo mayroong 8-point socio-economic agenda ang MTFF na nakatuon sa job creation at poverty reduction, gayundin ang magiging tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at ang COVID 19 pandemic.

“This is exactly the objective of the MTFF: in the short run, keep the macroeconomy stable and provide adequate social services; in the medium term, generate ‘more jobs, quality jobs, green jobs’… Ang panawagan ng marami: hanapbuhay na maglalagay ng pagkain sa mesa at mag-aangat ng pamilya mula sa kahirapan”pagtatapos pa ni Quimbo na isang magaling na ekonomista. Kris Jose