House leaders tutol sa pagbuwag sa PS-DBM

House leaders tutol sa pagbuwag sa PS-DBM

August 17, 2022 @ 9:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dalawang mataas na lider ng Kamara ang nagpahayag ng pagtutol sa panukalang buwagin na ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) kasunud ng mga kontrobersiya sa ilang government transactions na sinita ng Commission on Audit (COA) kasama na dito ang pagbili ng outdated at mahal na laptops ng Department of Education (DepEd).

Ipinaliwanag nina House Majority Leader at Zamboanga City Rep Manix Dalipe at House appropriations panel vice chairperson at Marikina Rep Stella Quimbo ang PS-DBM ay binuo upang tulungan ang mga ahensya sa paggamit ng kanilang pondo, kung nagkaroon ng problema sa proseso ng procurement ay ayusin ito sa halip na tuluyang buwagin.

“If there are problems on PS-DBM, there should be transparency in its processes. We should review PS-DBM’s processes, tweak it to be more transparent for it to serve its purpose of helping agencies to use their funds,” pahayag ni Dalipe.

Gayundin naman ang pahayag ni Quimbo, aniya,taon taon ang nagiging problema ay may mga ahensya ang hindi nagagamit kaya kailangan ang ahensya gaya ng PS-DBM.

“The government’s biggest problem every year is that there are agencies that fail to utilize their funds. That is the history why PS-DBM was created under DBM, which expertise is really procurement para iyong ibang agencies na walang capacity to do procurement in a swift manner, doon na niya ibibigay,” paliwanag ni Quimbo.

Payo ni Quimbo na upang maiwasan ang problema ay dapat magkaroon ng transparency sa proseso ng PS-DBM.

“Ang sa akin simple solution is transparency. Here in the House, we do livestreaming of our proceedings. Bakit hindi nila i-avail ang makabagong teknolohiya for a more transparent and more credible process?” pagtatapos pa ni Quimbo. Gail Mendoza