House panel pormal nang ibinasura ang impeachment complaint vs. Leonen

House panel pormal nang ibinasura ang impeachment complaint vs. Leonen

June 3, 2021 @ 4:59 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Aprubado na ng House justice committee ang committee report na isinasapormal ang pagbasura ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen dahil sa insufficiency in form.

Inaprubahan ito matapos bumoto ang 21 mambabatas na ibasura ang reklamo laban sa associate justice.

Ang reklamo ay inihain ni Edwin Cordevilla, secretary-general of the Filipino League of Advocates for Good Government.

“Being hearsay and not based on authentic record, we cannot take this as a ground even on the question of verification on the matter of the court,” ani Leyte Rep. Vicente Veloso, panel chair.

Inakusahan si Leonen na itinalaga ni dating President Benigno “Noynoy” Aquino III ng umano’y paglabag sa Konstitusyon at betrayal of public trust.

Ayon kay Cordevilla, hindi umano natapos ni Leonen ang 37 kaso sa loob ng 24 buwan.

Inindorso sa Kamara ang reklamo kay Leonen ni Ilocos Norte 2nd District Representative Angelo Marcos Barba, pinsan ni defeated vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang nagsimula ito matapos hindi ma-inhibit ng kampo ni Marcos si Leonen sa electoral protest case laban kay Vice President Leni Robredo. RNT/ELM