House panel sa NPC: Contact details sa personalized text scam, saan nakuha?

House panel sa NPC: Contact details sa personalized text scam, saan nakuha?

September 6, 2022 @ 8:04 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sa gitna ng pagkalat ng personalized text message scam, kinuwestyon ni House information and communications technology panel ang National Privacy Commission (NPC) kung saan maaaring nakuha ng mga scammer ang mga pangalan at ilang personal na detalye ng mga taong kanilang tina-target.

Tumugon naman si NPC deputy commissioner Leandro Aguirre na mahihirapang ma-trace ang nagpadala ng mga mensaheng spam dahil maraming posibleng mapagkukunan.

“It’s difficult to exactly pinpoint where it came from because there are multiple sources. Even the ones that we are seeing now where you have people that are receiving scam or phishing messages with their name, it’s not exactly certain that it actually came from a specific leak,” ani Aguirre.

“What we’re doing right now is coordinating with Viber and GCash to see if there was unusual activity that resulted in some scrapping of data,”aniya pa.

Bukod dito, tinanong ng House panel kung konektado ba ang mga impormasyong ginamit noong kasagsagan ng pandemya sa mga contact tracing application sa nangyayaring personalized text scam.

“Each entity that’s operating in the contact tracing application, they’re the ones that are controlling that information and have the obligation to protect whatever information coming into that specific system,” ani Aguirre.

Giit niya sa mga pribadong kompanya na gumawa ng contract tracing na hindi dapat magamit ang mga impormasyon sa ibang bagay.

 “We also emphasized to all the people that were conducting contact tracing that they are not supposed to reuse any of this information that they can because they were collected for contact tracing purposes. They are not supposed to use it for marketing.”

Samantala, sinabi naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na binabantayan nila ang mga local government units, na may sariling contact tracing application, para malaman kung paano nila pinoprotektahan ang mga impormasyong kanilang nakolekta.

Sa ilalim ng Data Privacy Act, ang isang taong mahuhuling gumagamit ng personal na impormasyon ay makukulong ng tatlo hanggang anim na taon. RNT