House reso ‘di makapagsasalba kay Duterte – Lagman

House reso ‘di makapagsasalba kay Duterte – Lagman

February 17, 2023 @ 7:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Minaliit  ni Liberal Party (LP) President at Albay Rep. Edcel Lagman ang paghahain ng House Resolution ng mga mambabatas sa pangunguna ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa katwirang hindi nito masasalba ang dating Pangulo mula sa gagawing imbestaigasyon sa extrajudicial killing ng International Criminal Court (ICC).

“The alleged crimes against humanity of former President Rodrigo Duterte and his cohorts cannot be cleansed in the laundromat of the House of Representatives,” pahayag ni Lagman.

Pinuna pa ni Lagman na bagamat gumagana naman ang justice sysem sa Pilipinas ay wala namang kasong naisampa laban kay Duterte.

“Considering the default of the Philippine justice system in favor of Duterte, the proper forum now is the ICC which has jurisdiction over covered crimes committed before the Philippines”pahayag ni Lagman.

Sa House Resolution No. 780 na inihain ni Arroyo at iba pang mambabatas ay kinilala nito ang naging malaking achievement ni Duterte sa kampanya ng bansa hindi lamang pagdating sa illegal drugs kundi maging sa terorismo at korupsyon.

Anila, tumaas ang antas ng peace and order situation ng bansa sa ilalim ng panunungkulan ni Duterte na nagbigay daan para lumakas ang ekonomiya at kumpiyansa ng mga mamumuhunan.

Nitong Enero ay inanunsyo ng ICC in January ag pagbubukas ng kanilang imbestigasyon sa mga nangyaring extrajudicial killing sa ilalim ng Duterte administration. Gail Mendoza