House rules patas na ipatutupad ni Speaker Romualdez sa 19th Congress

House rules patas na ipatutupad ni Speaker Romualdez sa 19th Congress

July 25, 2022 @ 4:36 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Patas na ipatutupad ni House Speaker Martin Romualdez ang mga tuntunin sa Malaking Kapulungan ng Kongreso para sa kapakanan ng mga mambabatas.

Ito ang bahagi ng talumpati ni Romualdez bilang pagtanggap sa pagkakahirang sa kaniyang bilang bagong speaker ng 19th Congress at pagpapahayag ng kaniyang pasasalamat sa mga kapwa mambabatas.

“As your Speaker, I vow to attend to all the concerns of your constituents. I shall try to be as fair as possible and favor no one.. There will be fair and equitable distribution of resources for development of our regions, regardless of political affiliation. Every Filipino family must be included in any development agenda. No one gets left behind.”

Aniya, laging bukas ang kanyang tanggapan para sa mga kinatawan sa pagsasabing, “priority will be given to those willing to share the aspirations of their constituents with me.

Sa kaniyang mga kasamahan ay sinabi ni Romualdez na “the honor of choosing me to serve as your Speaker of the House of Representatives for the 19th Congress.I gladly accept your trust and confidence with the promise that we will collectively work to make the 19th Congress the best it can possibly be.”

Pinasalamatan din ng bagong speaker si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Dahil sa mensahe nito ukol sa pagkakasa, sa suprtang ibinibigay sa Kongreso maging sa liderato ng Kamara.

Hindi rin nakalimutan ni Romualdez na pasalamatan ang kaniyang maybahay, Tingog partylist Rep. Yedda Marie Romualdez, ang kaniyang ina na si Juliette Gomez Romualdez, mga anak at pamilya dahil sa walang sawang sakripisyo at suporta maging kay dating House Speaker at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa natamo ng 18th Congress kung saan siya ang tumayong House majority leader.

“I would like of course to thank my immediate past predecessor, Speaker Lord Allan J. Velasco. With all the legislative agenda that we accomplished together, he’s too responsible for the refurbishment of the most beautiful session hall that we have today, thank you Speaker and to (former) Secretary General Dong Mendoza,” ani Romualdez.

Panawagan pa ni Romualdez sa kapwa mambabatas na tuparin ang kanilang obligasyon upang mapagsilbihan ang taumbayan na sa ganitong pagkakataon lamang makauusad ang ang Kongreso.

“I am deeply elated beyond words for the trust and confidence you have reposed upon me. Your unqualified support has overwhelmed me and with high hopes that together, we shall hurdle the challenges that we face at this stage of the Covid -19 pandemic.”

Sa pagbubukas ng sesyon sa umaga ay nagsuot si Romualdez ng barong na dinesenyo ng celebrity fashion designer na si Avel Bacudio kung saan nakaborda dito ang Palo Cathedral na matatagpuan sa Leyte at sa mismong SONA ay suot naman nito ang barong na may borda ng Balangiga bells. Meliza Maluntag