House Speaker Romualdez nanawagan ng tulong para sa Abra

House Speaker Romualdez nanawagan ng tulong para sa Abra

July 28, 2022 @ 2:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa kaniyang mga kasamahang mambabatas na tulungan ang Abra at karatig mga lalawigan sa kinakaharap na rehabilitasyon matapos ang ilang pagkawasak dulot ng magniture 7.0 na lindol.

Si Romualdez ay kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos at kapatid na si Senador Aimee Marcos sa ginawang occular inspection sa Abra upang maghatid ng tulong sa mga mamamayan doon at upang agad na alamin ang pinsala ng lindol.

“The government and the private sector should join hands in helping the victims and rehabilitating communities that suffered damage. The government is here, we are here to help,” ani Romualdez.

Nangako rin ang mambabatas na buo ang magiging suporta ng Malaking Kapulungan ng Kongreso sa mga isinusulong na inisyatiba ni Senador Aimee upang agad na matulungan ang mga nasalanta.

Titiyakin ni Romualdez na ang Kamara ay susuporta sa alokasyon ng pondo na ilalaan sa pambansang badyet para sa rehabilitasyon at pagpapanumbalik ng nawasak na imprastraktura.

“On the part of the House, we shall support the good senator’s proposal here owing to the fact that we’ve always been looking for best practices, and FEMA or even the AFAD in Turkey are great models for best practices for these protocols,” dagdag pa ni Romualdez.

Ang tinutukoy ng speaker ay ang Federal Emergency Management Authority ng United States at ng Turkish counterpart nito.

“We shall also join the good senator from Ilocos Norte on her call to support the budgetary requirements. For the restoration of the heritage and cultural sites as well…as the various infrastructures in the situation report.”

Ang personal na tulong ni Romuldez ay kaniya itong inabot kay Abra Rep. Ching Bernos.

Samantala dahil sa lindol kahapon ay nanawagan naman si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa mga kapwa mambabatas a madaliin ang pagsasabatas ng panukalanh lilikha o magtatatag sa Department of Disaster Resilience (DDR).

Ito ay upang magkaroon aniya ng mas mabilis at maayos na koordinasyon at pagpapatupad ng “disaster preparedness, response and rehabilitation efforts.”

Si Duterte, kasama sina Benguet Rep. Eric Yap, Quezon City Rep. Ralph Tulfo at ACT-CIS Partylist Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo at Jeffrey Soriano ay naunang binuhay at muling inihain ang House Bill No. 452 na lilikha sa DDR.

Nakapaloob sa panukala na malikha ang “empowered, highly specialized, science and ICT (information and communications technology)-based and fast and responsive Department of Disaster Resilience, with the clear unity of command which shall be primarily responsible for ensuring safe, adaptive and disaster-resilient communities.”

Ang DDR din aniya ang mangunguna sa pagpapatupad ng ” national, local and community-based disaster resilience and disaster management programs, projects and activities in collaboration with relevant government agencies, local government units (LGUs), civil society organizations, academic groups and other stakeholders.”

Tinukoy ni Duterte ang 2019 World Risk Index na ang Pilipinas ay pang-walo sa mga bansang apektado ng malalakas na kalamidad o bagyo na sa loob ng isng taon ay 20 ang pumapasok sa Philippine Area of Reaponsibility.

“If we are to create a Department of Disaster Resilience, we should make it a strong, dependable agency by employing the latest technologies available. This will ensure that the DDR will be efficient and effective in performing its task of being the country’s main disaster management agency,” ayon pa kay Duterte. Meliza Maluntag