House speaker Romualdez sa pagbisita ni PBBM sa Singapore: May imbitasyon ito

House speaker Romualdez sa pagbisita ni PBBM sa Singapore: May imbitasyon ito

October 6, 2022 @ 2:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dinepensahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagtungo at pagsama nya sa Singapore kay Pangulong Bongbong Marcos kung saan dumalo sila sa international event ng F1 Grand Prix.

Ayon kay Romualdez may imbitasyon ang kanilang pagtungo sa Singapore.

“There was an official invitation by Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong,” pahayag ni Romualdez nang makapanayam ng media sa Kamara.

Ipinagmalaki ni Romualdez na may idunulot ng maganda ang pagapaunlak nila sa imbitasyon.

“I think it’s always a good idea to honor that invitation and to engage further not just Singapore, but the countries in the region— not only the governments, but of course the business communities in the region,” paliwanag ni Romualdez.

Dagdag pa nitp na mula nang maupo si Pangulong Marcos ay mas lumakas ang ugnayan ng bansa sa international business community.

“I think he’s done very well. They now know—our friends in the region know— that the Philippines is open for business and that the Marcos administration, his administration is ushering in a whole new environment for business and investments and that would augur well for the economy, especially during these times,” pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza