House Speaker Romualdez sa Pantawid Pasada, Libreng Sakay sa 2023: ‘Kailangan ito’

House Speaker Romualdez sa Pantawid Pasada, Libreng Sakay sa 2023: ‘Kailangan ito’

November 29, 2022 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng liderato ng Kamara sa mga Pilipino nitong Martes na isusulong nito na mapanatili ang earmarked funds para sa fuel subsidy ng Department of Transportation at  “Libreng Sakay” programs sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.

“This is one of the pro-people provisions of the proposed national budget. Kailangan ito ng mga mamamayan, “ giit i House Speaker and Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez.

Naglaan ang Kamara ng P2.5 bilyon para sa Pantawid Pasada Fuel program, P2 bilyon para sa Libreng Sakay, at P1 bilyon para sa pagpapagawa ng bike lanes para sa kabuuang P5.5 bilyon.

Inihayag ni Romualdez na bahagi ito ng P77 bilyong institutional amendments para sa pro-people programs sa P5.268 trilyong national budget o General Appropriations Bill (GAB) para sa 2023.

Sinabi pa niya na partikular ang Pantawid Pasada at Libreng Sakay programs na magbibigay ng kaginhawaan sa mga Pilipino sa gitna ng mataas sa presyo ng langis.

“Ayuda ito (Pantawid Pasada) sa mga drayber at operators sa panahon ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. At ang Libreng Sakay naman ay malaking tulong sa ating commuter na nahihirapang pagkasyahin ang kita sa isang araw,” paliwanag ni Romualdez.

“House believes that the Libreng Sakay program will really help commuters. Pinondohan namin ‘yan dahil kailangan,” sabi naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations.

Inilunsad ang service contracting o Libreng Sakay program ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at mandato sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act. Muli itong umarangkada noong at 2022.

Samantala, isinusulong naman ng bike lanes ang paggamit ng bisikleta papasok sa trabaho. “It is a way to be physically healthy and at the same time reduces vehicles on the road,” dagdag ni Co. RNT/SA