House Speaker sa Degamo slay: This is a direct challenge to the authorities

House Speaker sa Degamo slay: This is a direct challenge to the authorities

March 5, 2023 @ 10:56 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nanawagan sa mga otoridad si House Speaker Martin Romualdez na tutukan ang paglutas sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Kasunod ito ng pagpapaabot ni Romualdez ng kaniyang pakikiramay sa pamilya ni Degamo at sa buong lalawigan matapos itong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang dumadalo sa isang programa sa Pamplona kasama ang mga 4Ps benefeciaries.

“This act of violence is reprehensible. This is a direct challenge to the authorities,” ani Romualdez.

Siniguro rin ng mambabatas na hindi titigil ang gobyerno hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pamilya Degamo.

Kaugnay nito ay nanawagan si Romualdez sa Department of Interior and Local Government (DILG), Philippines National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP) na lawakan ang imbestigasyon sa agarang ikalulutas ng kaso at matuldukan na ang mga ganitong karahasan.

“I expect the National Police to act with dispatch in arresting those responsible for this dastardly act. Stop lawlessness in the land and restore peace and order in our communities. That is your sworn duty.”

Patuloy na pinanghahawakan n in Romualdez ang pagtiyak ng pamunuan ng PNP na gagawin ang lahat para matigil ang mga kaso ng karahasan gaya ng patayan sa bansa.

“Kailan lang, siniguro sa akin ng PNP Chief sa meeting namin na gagawin nila ang lahat para matigil ang mga patayan na nangyayari sa ating bansa. I hold him to his word. Tulad ng mga kababayan natin, ayaw kong mawalan ng tiwala sa ating kapulisan. Hindi na puwede ang puro pangako. Kailangan natin ng agarang aksyon,” giit ni Romualdez. Meliza Maluntag