‘Household lockdown’ mahal, mas maraming isolation facility kailangan – Palasyo



‘Household lockdown’ mahal, mas maraming isolation facility kailangan – Palasyo

April 5, 2021 @ 11:43 AM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Aminado ang Malakanyang na ang suhestyon ng isang mambabatas na magpatupad ng lockdown sa kabahayang magkakaroon ng isang COVID-19 positive member ay mahal at nangangailangan ng mas maraming isolation facility.

Sa ulat, isinusulong ni Marikina City Rep. Stella Quimbo ang “household lockdown” at sinabing “all basic needs will be delivered to household members with the assistance of the LGUs [local government units]” kung isa sa miyembro nila ang magpopositibo sa virus.

“The problem with reverse isolation is number one, quite frankly, it becomes more expensive because when you isolate them, you have to provide for their meals,” lahad ni presidential spokesperson Harry Roque sa panayam.

“Number two, you would need more isolation facilities because there will be more who don’t have symptoms that need to be isolated or taken care of by the government.”

Ginagawan naman aniya ng paraan ng gobyerno ang problema kung saan mas maraming public school at hotels ang ginagawang isolation facility. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •