Houston Rockets star Fil-Am Jalen Green lilibot sa Manila

Houston Rockets star Fil-Am Jalen Green lilibot sa Manila

August 10, 2022 @ 2:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa Manila ngayon si Houston Rocket star  Fil-Am Jalen Green upang ipromote ang sports at isang brand ng sapatos para sa JG4 Manila Tour.

Lilibot si Green sa ilang lugar sa bansa upang iparanas sa kanya ang kulturang Pilipino, street lifestyle, at grassroots sports.

Ito ang ikatlong beses na bumisita sa bansa si Green, na isang global ambassador ng brand.

Sa panahon ng kanyang rookie season sa NBA, nag-average si Green ng 17.3 puntos at 3.4 rebounds bawat laro.JC