How to be Productive tuwing tag-ulan?

How to be Productive tuwing tag-ulan?

June 10, 2018 @ 12:23 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Stranded sa bahay dahil baha at maulan sa labas? Ang malamig na panahon kasi ay nakaapekto sa mood ng mga tao ito ang dahilan kung bakit tayo ay laging tinatamad bumagon sa kama at gusto na lang mag-Facebook magdamag.

Gayunpaman, dapat din nating gawing inspirasyon ang malamig na panahon upang maging produktibo sa mga importanteng bagay.

Narito ang ilang hakbang upang maging productive ngayong tag-ulan:

  1. Get Physical

Dahil cancel ang lahat ng lakad, mababawasan ang mga physical activities na kailangan ng ating katawan. Upang mapaganda ang iyong mood at ma-boost ang iyong energy level, mabuting mag-exercise o di kaya’y maglinis ng bahay.

  1. Get Organized

Napakagandang pagkakataon ng tag-ulan upang maglinis ng bahay sapagkat ang malamig na panahon ay nagpapakalma sa ating mga nanay at nararapat lamang silang tulungan sa mga gawaing bahay.

Maaring magsimula sa mga maliliit na bahagi ng bahay gaya ng iyong kwarto. Ito ay maaring gawin habang nakikinig ng music upang ganahan ka pa lalo maglinis.

  1. Mag-try ng bagong recipe

Sa malamig na panahon, perfect na mag-try ng bagong recipe at makipag-bonding sa buong pamilya. Tandaan na wala ng sasaya pa sa bonding ng pamilya.

‘Wag rin kalimutang kuhanan ng litrato ang iyong final product upang may mai-post sa My day o di kaya’y sa Instagram.

  1. Watch a Documentary

Pagkatapos tulungan si nanay na maglinis ng bahay, maaari nang mag-chill at manuod ng TV. Mas okay kung ang iyong panunuorin ay nakadadagdag ng iyong kaalaman gaya ng mga documentary.

Ito rin ay maaring magbigay ng motivation at inspiring messages upang makatulong sa ating self-development.

  1. Take a power nap

Ito na marahil ang pinakaaabangan ng lahat sa listahang ito, ang pag-idlip. Dahil kakatapos lang ng summer, ang lahat ay tuwang-tuwa sa pagdating ng tag-lamig, kaya kung ikaw ay nakararamdam na kailangan mo na ng kaunting pahinga, maari ka naman umidlip ng mga 10-20 mins upang magrecharge. Tandaan lamang na ang lahat ng sobra ay masama. Sleep moderately. (Remate News Team)