Howard nilayasan ang Lakers, lumundag sa 76ers

Howard nilayasan ang Lakers, lumundag sa 76ers

November 21, 2020 @ 12:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

LOS ANGELES – Tuluyan nang nilisan ni Dwight Howard ang Los Angeles Lakers matapos pumirma ng one-year deal sa Philadelphia 76ers, ayon sa agent nitong si  Charles Briscoe.

Nagkakahalaga umano ang one year deal ng veterans minimum exception na $2.6 million.

Itinuturing si Howard, 34, na isa sa greatest big men ng kanyang henerasyon na may career averages na 16.7 points, 12.3 rebounds at 1.9 blocks kada-game.

Pumirma ito ng one-year contract na nagkakahalaga ng $2.56 million sa Lakers noong Agosto 2019 kung saan muling umusbong ang kanyang career sa Los Angeles.

Naging eight-time All-Star at three-time Defensive Player of the Year, nabago ang role ni Howard sa Lakers nitong huling season kung saan naglaro lang ito ng limitadong minuto bilang 2nd team.

May averaged si Howard na 7.5 points, 7.3 rebounds at 1.1 blocks sa 16 minutes na nilalaro nito.

Kahit kaunting minuto lang ang nilalaro nitong postseason, nakuha pa rin ni Howard ang kanyang unang NBA championship sa kanyang 16th season.

Bago mapasama sa Lakers, naglaro si Howard ng siyam na laro sa Washington Wizards noong 2018-19 season at halos hindi nakapaglaro ng buong season dahil sa spinal surgery.

Nang healthy sa panig ng Charlotte Hornets noong 2017-2018, si Howard ay may averaged na 16.6 points at 12.5 rebounds kada-laro. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...