HRW kay PBBM: Paninindigan sa human rights, talakayin sa unang SONA

HRW kay PBBM: Paninindigan sa human rights, talakayin sa unang SONA

July 22, 2022 @ 6:22 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng New York-based Human Rights Watch (HRW) na inaasahan nitong magkakaroon ng pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung paano niya tutugunan ang “injustices” at poprotektahan ang human rights ng mga Pilipino sa una niyang State of the Nation Address (Sona) sa Lunes.

Interesado ang grupo sa paninindigan  ni Marcos sa marahas na drug war ng nakaraang administrasyon at mitsa ng maraming reklamo na inihain laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ama ng kanyang running mate na si Vice President Sara Duterte, sa International Criminal Court (ICC).

“Ferdinand Marcos Jr. has become president of a country riven by human rights problems and overlaid with a systematic failure to hold abusers accountable and ensure justice for victims,” pahayag ni HRW deputy Asia director Phil Robertson nitong Biyernes.

Iginiit pa ni Robertson na ang unang SONA ni Marcos “should be all about how he will protect the rights of all Filipinos and right past wrongs.”

Sinabi niya na matapos ang pagkakapanalo ni Marco sa 2022 presidential polls, mayroon na siya ngayong “golden opportunity to get the Philippines on the right track by setting out clear priorities and policies to improve human rights in the country.”

“After six years of [former President Rodrigo] Duterte’s disastrous ‘drug war’ that killed thousands of people, Marcos needs to make a clean break by showing he is serious about accountability for past human rights violations, as well as preventing abuses in the future,” dagdag niya.

Inilatag din ng HRW ang mga partikular na isyu na inaasahan nilang matatalakay sa SONA.

Muli silang nanawagan kay Marcos na buwagin ang legasiya ni Duterte sa pamamagitan ng mandato sa Philippine National Police at sa Department of Interior and Local Government na wakasan ang “abusive and unlawful” anti-illegal drug operations.

“To bring accountability for ‘drug war’ killings – in only one case have police been successfully prosecuted for murder – Marcos should order the Department of Justice, including the National Bureau of Investigation, to conduct a credible, impartial, and transparent review of alleged extrajudicial killings,” sabi ng HRW.

Ayon pa sa rights watchdog, kailangan ding ibasura ang mga kaso laban kay dating Senador Leila de Lima.

Nanawagan din ito na bawasan na ang red-tagging sa mga kritiko ng pamahalaan.

Gayundin, nanawagan sila kay Marcos “to firmly commit to respecting the rights to freedom of expression [of] the media, which were attacked relentlessly under the Duterte administration.”

“He should ensure that the selection process for the five members of the next commission is transparent and inclusive, taking into account the perspectives of civil society and human rights groups,” paliwanag pa ng grupo. RNT/SA