HS Velasco: Eleksyon sa bansa ipagdasal ngayong Easter Sunday

HS Velasco: Eleksyon sa bansa ipagdasal ngayong Easter Sunday

April 17, 2022 @ 11:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng Easter Sunday, hinimok ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga Katoliko at ang buong bansa na ipagdasal na maging maayos at maluklok ang mga tamang lider ngayong nalalapit na eleksyon.

Sa kanyang Easter Sunday message sinabi ni Velasco na kaisa nya at ang buong Kamara sa selebrasyon ng pagkabuhay ni Hesus at umaasa sya na ang mensage ng Holy week ay mananatili sa puso ng bawat isa.

“We join the nation and the rest of the world in celebrating the holiest of days on the Christian calendar: the resurrection of Jesus Christ and the gift of eternal life that is granted to all who believe in Him.May the miracle of Christ’s resurrection fill our hearts with love, hope and joy,” ani Velasco.
Sinabi ni Velasco na samantalahin din ang okasyon ng Easter Sunday para hingin ang grasya ng Panginoon para sa nalalapit na presidential election.

“With only less than a month before the general elections, let us seek God’s guidance in order for us to make the right decision to vote for leaders who genuinely care for the country and will effectively lead us on the path to recovery. Let us pray that the will of God and the Filipino people will truly reflect the outcome of the forthcoming elections,” dagdag niya. Gail Mendoza