Huawei kinabog ang Apple – International Data Corporation

Huawei kinabog ang Apple – International Data Corporation

August 1, 2018 @ 1:25 PM 4 years ago


California – Umarangkada na sa ikalawang pinakamabiling smarphone sa buong mundo ang China-based na Huawei.

Pinatalsik nito sa unang pagkakataon ang Apple sa second spot na isa sa mga bigating supplier ng cellphone sa buong mundo.

Sa inilabas na report ng International Data Corporation (IDC), nangunguna pa rin ang South Korean na Samsung bilang top smartphone maker na nakapag-ship na ng nasa 71.5 million na handset  o 20.9 percent na sinegunduhan naman ng 54.2 million o 15.8 percent na distribusyon ng Huawei.

Bumaba naman sa 41.3 million  o 12.1 percent na Iphone ang nai-distribute ng Apple ng Silicon Valley.

“The continued growth of Huawei is impressive, to say the least, as is its ability to move into markets where, until recently, the brand was largely unknown,” ayon kay IDC’s World Mobile Device Trackers vice president Ryan Reith. (Remate News Team)