Hubo’t hubad na nagse-sex sa kotse diniskarga ng mga karnaper

Hubo’t hubad na nagse-sex sa kotse diniskarga ng mga karnaper

September 4, 2022 @ 12:40 PM 3 weeks ago


BRAZIL – Pinalabas nang hubo’t hubad ng mga karnaper ang nagse-sex na lalaki’t babae sa loob ng kotse na kanilang kinarnap sa bansang ito.

Napag-alaman ito makaraang ilabas ng may-ari ng CCTV ang larawan ng paggawa ng karnapping sa hindi tinukoy na lugar sa nasabing bansa.

Lumabas sa social media ang video kung paano pwersahang binuksan ang likurang pintuan ng kotse nang mag-partner saka pinalabas ang mga ito.

Gayunman, bago nila tinangay ang kotse, inihagis naman ng mga karnaper ang ilang saplot ng dalawang magsing-irog na pinantakip nila ng kanilang mga mukha at maselang bahagi ng kanilang mga katawan.

Umani naman ng katakot-takot na komento at kantiyaw ang naglalabing-labing sa halip na pagtuunan ng pansin ang ginawang krimen ng mga karnaper. RNT/FC